“Ate, ang gaganda naman ng mga damit dito. Ang mamahal pa,” bulong ni Tania habang nakahawak sa braso ko. Napagpasyahan kong dalhin sila sa mall para bumili ng mga kailangan at syempre kahit papaano ay mga gusto nila, kasi minsan-minsan lang naman. Nasa isang menswear store kami at tinutulungan ni Kvein si Maru na mamili ng kung ano-ano. Ako naman ang magbabayad; napag-usapan na rin namin 'yan ni Kvein kanina bago umalis. Kasi syempre itong lalaki na 'to hindi naman pumasok sa trabaho, tapos pabawas na ng pabawas ang savings niya dahil sa amin. Kaya agad kong ibinigay kay Maru yung debit card ko para siya na ang pumunta sa cashier. Habang busy ang dalawa, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang babae na nakatingin kay Kvein; yung iba pasulyap-sulyap lang, habang yung iba ay nakat

