Naglilinis ako sa tindahan habang naliligo si Kvein. May pasok kasi yung dalawa, at habang wala sila, ganito ang ginagawa namin ni Kvein. Sayang naman kung magsasara kami at wala naman kaming ginagawa kundi maglandian lang. At least may pera pang pumapasok. Tsaka malakas-lakas na rin yung tindahan. Habang inoorganize yung mga lalagyan ng candy, may babaeng lumapit. Nakagrills ang nakaharang sa tapat, pero maninipis lang. Mahirap na kasi minsan kung di ang Lola ni Ekang ang nagbabantay; minsan si Tania lang. “Ano po yun?” nakangiti kong tanong. Kilala ko ang babae at alam ko na hindi ang pagbili ang pinunta dito ng bruha. “Talagang nakabalik ka na noh?” Diba? Suminghap ako bago tumango-tango. “At talagang buntis ka.” Napangiti ako ng peke. Mga ganitong paraan ng pagsasalita, halatang

