CHAPTER SEVEN

1877 Words
CHAPTER SEVEN *** Kendry: Heartless Leader Do whatever you want, kill me if you can. But you know that I am better than you, Kendry. “s**t!" inihagis ko ang cellphone, kaagad na pinulot iyon ng isang tauhan ko. "What's wrong? Para yatang ang init ng ulo ng aking apo?" "Grandpa," tumayo ako at nag bigay galang dito. Senenyasan ko ang mga tauhan na iwanan kaming dalawa, mabilis na nawala ang mga ito sa salas kung saan kami naroroon ni Grandpa. "Where is Enrique?" he asked. Napakuyom ako, Enrique again? That bastard! "Out somewhere," umupo ako sa tapat niya. "Elsa?" he asked again. "Out somewhere," I answered him lazily. Tinitigan ako ni Senyor Condrad. "Kendry tells me. Do you like Elsa, don’t you?" Tumawa ako. "Grandpa? Like? Are you serious?" Tumawa din siya. "You know Kendry, I am your grandpa. You grew up with me, kaya kilalang kilala na kita, and I know you like Elsa. I can see it the way you stared at her, and you are protecting her quietly." "Grandpa, I don't like her. We need her, that's why I am protecting her. That's all!" "Oh? You don't like her?" "Why grandpa? Is there something wrong?" I asked him back. Kinuha niya ang baso at nagsalin ng brandy. "Malapit na siyang makawala sa atin at alam mo na, we need to erase her, delete..." "Grandpa!" "You have to kill her Kendry, that's your mission. Kill Elsa." Napahigpit ang kapit ko sa kutsilyo. Pinaikot-ikot ko iyon sa palad. "What if I failed to kill her?" Tumayo si Senyor Condrad. "If you failed, then Enrique will take over your place." Napatayo ako. "But Enrique failed his trial mission! He can't kill women!" Tumingin siya sa akin. "And you can't also, the trial mission was not given for him. It was given to you. Bakit mo pinasa kay Enrique? Oh, let me guess... because you can't kill women too, am I right?" Nanginig ang kamay ko, dahil totoo iyon. I can kill a thousands of men, pero pag babae hindi ko kaya dahil muling bumabalik sa isip ko ang mukha ni Mommy. "Ipakita mo sa akin na mali ako, kill Elsa and you can have the Black Dragons whole operation." "I'll do it, I will kill Elsa." "Hmm…" itinaas ni Senyor Condrad ang baso. “As soon as possible." “SIR, may pasalubong kami sayo baka maging interesado kayo." "Ano ba! Bitawan niyo ako!" napalingon ako sa mga bagong dating. Napatingin ako sa babae mula ulo hanggang paa, napasipol ako, puro pula ang suot nito, and her sexy. "Who is she?" tanong ko sa mga ito. "Enrique's girlfriend." ngumisi si Lance. Maluwag na napangiti ako, nilapitan ko ang dalaga. "Girlfriend..." “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin!" nagpumiglas ito. "Relax lady." tumingin siya sa akin. "Hindi ako mayaman, wala kayong mahihita sa akin!" "Malas mo lang at ikaw ang naging syota ni Enrique, ano kayang mararamdaman niya pag nalaman niyang hinahalikan ko ang pinakamamahal niya, hmm?" hinapit ko siya sa baywang at pilit na hinalikan sa mga labi. Isang mag asawang sampal ang natamo ko dito. Hinila ni Lance ang buhok ng babae, pinigilan ko si Lance. "Tie her up!" nadama ko ang pisnge. "Maglalaro kami ni Enrique, let's see who will win this time!" tumawa ako ng malakas. Naririnig ko pa ang pagpupumiglas ng babae. Nag ring ang cellphone ko, napabuntong hininga ako. May isang problema pa pala ako, ang WEDA o ang White Eagle Detective Agency. Sila ang mga naging kasamahan ko nang magpanggap akong undercover agent. Sa laki ng connections ko hindi imposibleng mangyari iyon. Kinailangan ko iyong gawin para makilala kung sino si Black Angel, ang tinik sa mga naging clients namin. Ang WEDA ang pinakamahigpit naming kalaban, malakas at magaling din ang namumuno dito, pero ang pagkakaiba lang namin, sila nasa batas, habang kami naman ang pilit na tinutugis, pero kung tutuosin, parehas lang kami, mga pumapatay. Mahirap itumba si Black Angel, dahil magaling ito sa taguan at pakikipaglaban, nagipit ako kaya nalaman ng mga ito na isa akong spy, malas lang at si Mr. Marte ang naging mission namin. I answered her call. Alice: I will find you, at ako mismo ang papatay sayo, Kendry! Kendry: I'm scared Alice, so scared. (Laughing) Alice: You better watch out, Kendry. Baka di mo namamalayan, may nakatarak ng kutsilyo diyan sa dibdib mo! Kendry: Good luck! Say my greetings to Andrew! Naputol na ang linya. May sumabog sa labas ng gate, mabilis na kinuha ko ang baril at lumabas. "Anong nangyari?" tanong ko sa mga bantay. Nakita kong sugatan na ang ibang bantay ng Mansion dahil sa pagsabog. “Boss may naghagis po ng granada!" pagbabalita ng isa. Lumikot ang mga mata ko, dahan dahan akong sumilip sa labas at wala akong nakita. "Maging alisto kayo!" "Yes Sir!" kanya kanya na silang hugot ng baril. Elsa POV Mabilis na pumasok ako sa loob, pagkatapos kong hagisan ng granada ang entrace ng mansion ay kaagad akong umakyat sa likod ng magkagulo na ang mga ito sa harapan. "Elsa, I need your help, please help me to save my girl." si Enrique sa akin. His girl? Hindi ko alam yun, ah? But I'm willing to help him. "I'm in," sabi ko kay Erique, using an earphone piece. "Okay, be careful!" sagot nito. Alam ko ang lahat ng pasikot sikot sa mansion, dahil ten years kong inaapakan ang lugar na iyon. Alam ko rin kung saan nakalagay ang mga CCTV cameras sa loob ng mansion. "Bitiwan niyo ako! Ano ba!" narinig kong sigaw ng isang babae, mahigpit na hinawakan ko ang baril na may silencer. Pumasok ako sa loob ng silid at nakita ko ang babaeng puro pula ang suot habang tinatali ito sa isang upuan ng mga kasamahan ko. Limang tao ang nagbabantay sa kanya. Napalingon ang isa sa akin, kaagad binaril ko si guy one at ibinato ko ang kutsilyo kay guy two sapol ito sa dibdib, bumunot ng baril ang tatlo pero kaagad na sinipa ko ang hawak na baril ni guy three at binunot ang kutsilyo na nakatarak sa dibdib ni guy two at isinaksak iyon sa leeg ni guy four, at kinuha ko ang baril at kaagad na binaril si guy three, bumulagta ito sa sahig. "Elsa! Isa kang traydor!" sabi ni guy five, pinaputok nito ang baril pero kaagad akong nakagulong at nakapagtago sa likod ng aparador. Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin. Kaagad na sinipa ko ang hawak nitong baril kaya tumilapon ito palapit sa na shocked na babae. Panay ang ilag ko sa mga suntok at sipa nito. Nahawakan ko ang kamay nito at mabilis na binali ang isang kamay nito, napahiyaw ito sa sakit, pero nahugot nito ang kutsilyong nakatago sa katawan nito, muntikan na akong masaksak kung di lang ako mabilis na nakailag. Nagpagulong-gulong kami hanggang sa ako naman ang nasa ilalim. Pilit nitong dinidiin ang kutsilyo sa mata ko habang itinodo ko ang pagsangga sa kamay nito. Malakas din ito dahil, kasabayan ko ito sa pag training noon. Malapit na malapit na ang talim ng kutsilyo sa mga mata ko ng bumulagta ito at dumagan sa akin, itinulak ko ang katawan nito at tumayo. Nakita ko ang babaeng nakahawak sa baril, nanginig ang kamay nito at umiiyak. Nilapitan ko ito at kinuha ang baril sa nanginginig nitong kamay. "Let's get out of here!" hinawakan ko ang kamay nito at hinila palabas sa silid na iyon, pero napabalik kami sa loob ng makitang parating ang ilang kasamahan ko. "Enrique, where are you?" kausap ko sa earphone piece. Napayakap sa akin ang babae ng may sumabog sa labas, pumasok doon si Enrique. Tumango ako, ibinigay ko ang babae kay Enrique. "Magkikita tayo sa hide out." I said. Tumango si Enrique at hinatak na nito ang tulalang girlfriend nito palabas sa mansion, dumaan ang mga ito sa likod at naririnig ko pa ang pagpapalitan nito ng putok. "Magtutuos tayo Kendry!" kinasa ko ang baril. Dalawang baril ang hawak ko. Nakipagpalitan ako ng putok sa mga kasamahan ko, huminto ako sa CCTV at nag dirty finger dito at nag kill sign pa sa leeg. Alam kong mapapanuod iyon ni Senyor Condrad. "Kendry!" sigaw ko. Napapikit ako at mabilis na nagtago sa ilalim ng sofa, nakipagpalitan ako ng putok sa mga alagad nito. Napatigil ako ng may tumutok sa akin mula sa likod. Nagtaas ako ng kamay at dahan dahang tumayo. Binitawan ko ang dalawang baril pero kaagad na sinipa ko ang kamay nito pagharap ko, si Kendry! Napangiti ako. "Nice try, Kendry!" "Hindi ka parin kumukupas Elsa, pinapahanga mo parin ako," he grinned. Sinugod niya ako ng suntok at sipa, umilag ako sa mga sugod nito. Sinalo ko ang kamao nito at ibinalibag ito pabagsak sa sahig. "At ikaw naman, pakupas na Kendry," ito ang nag turo sa akin ng tamang paghawak ng kutsilyo, pagbaril, pag asenta ng target at ang pakikipaglaban na walang hawak na sandata. Kaagad na bumangon ito. Lumikot ang mga mata nito, at nakita nito ang mga tauhan na tinututukan ako. Hinila niya ako pababa, dinaganan niya ako para ma protektahan at nagbasagan na ang mga vase dahil sa mga tama ng bala. "Tama na! Baka matamaan si Sir Kendry. Mga inutil!" sigaw ng isa. Kinuha ni Kendry ang baril at pinagbabaril ang mga sariling tauhan nito. "Kendry..." napatda ako, hindi ko inaasahan ang ginawa nito. Inihagis ni Kedry ang baril sa akin. “Shoot me Elsa!" "B-but..." "Now!" singhal ni Kendry sa akin. Pikit matang binaril ko siya sa hita. "Go... go Elsa and don't you ever come back here!" umupo siya sa sahig. For the first time nakita ko siyang ngumiti. "I'm sorry, Kendry!" mabilis na lumabas ako sa mansion at sumakay sa nakaparadang motor sa labas at mabilis na pinaharurot iyon. Napatigil ako ng may malakas na pagsabog sa loob ng mansion. "No Kedry!" napaiyak ako. “Bakit ang galing galing mo sa kutsilyo?” tanong sa labing pitong taon na apo ni Senyor Condrad. Mag iisang taon na ako sa Black Dragons. Tinitigan niya ang kutsilyo. "I will use this knife to kill someone," inikot-ikot niya ang kutsilyo sa palad na nakagawian na niya. "Who?" usisa ko. Tumayo siya at ibinato ang kutsilyo sa punong may kalayuan sa kinaroroonan namin, nasapol niya ang naka drawing na circle sa puno. Di ko maiwasang humanga sa galing niya. "The person who killed my father," muling sumiklab ang galit sa mga mata niya. Humarap siya sa akin at inihawi ang ilang hibla ng buhok ko. "I'll protect you." Dinala ko sa puso ang sinabi niya noon, but Kendry grew up heartlessly. Nawala ang katiting na awa sa puso niya noon, ibang-iba na ang Kendry na kaharap at kausap ko pagkatapos ng tagpong iyon. Naging cold at walang pakiramdam na siya. He turned into a demon at walang awang pinapatay niya ang hindi sumusunod sa kagustuhan niya. At doon nagsimula akong mamuhi sa kanya, pero ngayon muling nakita ko ang labing pitong taon na si Kendry noon, kung saan tinuturuan ako nito sa tamang paghawak at paggamit ng kutsilyo. I'll protect you… Pinahid ko ang luha na naglandas sa mga pisnge ko. "Goodbye, Kendry," inilagay ko muli ang earphone sa tainga ko. "Enrique, I'm on my way." binilisan ko na ang pagpapatakbo ng motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD