CHAPTER FORTY-ONE: THE LIFE AFTER *** Alice NAGKUBLI kami ni Andrew sa isang pader pagkatapos naming ihatid sa kalye si Cheche. Wala ng maalala si Cheche tungkol sa isla at sa pagdukot sa kanya ng mga tauhan ni Samuel Villonco dahil binura na iyon ng Hunters Group. Layunin din ng grupo ang hindi paglantad ng Black Dragons sa publiko, para narin sa security ng mga kabataan o ang iba pang nais tulungan ng Organisasyon. Sinabi ko narin kay Andrew ang lahat tungkol sa nakaraan ko pati kay Dra. Veronica. Nakita ko kung paano niyakap ni Inay at ni Ponce si Cheche. “Saan ka ba galing anak? Nag alala kami ng Itay mo sayo!" si Inay. "Patawarin mo ako anak, simula ngayon magiging mabuting tao na ako, tutulungan ko na ang inay mo sa pagtitinda ng isda sa palengke. Hindi na rin ako magsusugal, ba

