CHAPTER TWENTY-FOUR *** Delly "MGA hayop kayo!" sigaw ko ng tanggalin ni Sebastian ang panyong nakatakip sa bibig ko. "Hayop..." napaiyak ako ng maalala si Marie. "Pwede ba? Manahimik ka?" si Margareth. "Basti, bakit mo pa kasi tinanggalan ng takip ang bibig ng babaeng ito? Patatahimikin ko na ‘to ng tuluyan!" asik niya. "Just shut up. Margareth! Wala sa usapan natin ang patayin si Marie, kaya tumigil ka diyan." "Ah, ganun? So nasaktan ka? Iiyak kana ngayon?" Tinapakan ni Sebastian ang preno kaya umingay ang gulong nito sa kalsada. "Hindi kaba talaga titigil?" Natahimik si Margareth. "Bullshit!" muling pinaandar ni Sebastian ang sasakyan. "Mga halimaw! Mga demonyo kayo! Malalaman din ito nila Mommy at Daddy!" sigaw ko. "Daddy? Mommy?" tumawa ito. "Ang sarap pakinggan..." "Mga bal

