CHAPTER TWENTY-SEVEN *** Alice NARAMDAMAN ko ang pagkirot ng aking ulo. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata, wala nang nakatakip sa aking bibig at hindi narin ako nakagapos, pero nakakulong ako sa isang madilim na silda. Lumapit ako sa bakal na tarangkahan na nakakandado. "Anyone?" pinilit kong buksan pero napagod lang ako, nagpaikot-ikot ako sa loob, wala ring kisameng pwede kong akyatan dahil puro semento ang nasa itaas. Biglang umilaw ang buong paligid at nakita ko na hindi lang pala ako nag-iisa, marami kaming nakakulong sa iba't ibang silda at ang iba ay hindi mga Filipina, some of them are foreigners. May pumasok sa loob habang tinutulak ang isang push cart ng pagkain at bawat silda ay binibigyan ng tray ng pagkain, hanggang sa matapat sa akin. "Kumain kang mabuti para may laka

