Chapter One

2603 Words
J H O A N N A "Huy, mga beh! Tama ba 'tong napuntahan natin?" Tanong ni Yves pagkababa namin ng van na syang naghatid sa amin sa bahay na tutuluyan naming magkakaibigan sa loob ng isang exclusive na subdivision. "Parang mali ata yung napuntahan natin, eh." Napakamot pa sya sa ulo nya habang palinga-linga sa paligid. "Naku, teh. Hindi ko din alam. Wala akong alam." Nakangusong sagot ni Shee sa kanya. Tumingin naman sya sa'min ni Te Aiah at pareho kaming nagkibit balikat. "Beh, magkakasama tayong pumunta dito. So meaning, hindi din namin alam." Sabi ko naman. Napabuntong hininga na lang sya atsaka nagpalinga-linga ulit sa paligid. Actually, wala namang ibang bahay dito bukod sa bahay na nasa harapan namin. Oh wait, hindi pala bahay. Mansyon, beh! Isang malaking mansyon yung nasa harapan namin. Kaya hindi talaga namin alam kung tama yung lugar na pinaghatiran samin nung van. Imposible naman kasing yung bahay na tutuluyan namin is etong mansyon na 'to. Parang nakakatakot at nakakahiyang pumasok. Ang laki tapos ang gara pa. Hitsura pa lang malalaman mo nang sobrang yaman ng may ari. Halatang pinag isipan ng maigi bawat designs. Ang ganda! As in! Kahit nasa labas pa lang kami ng gate, nasisiguro ko nang sobrang ganda ng loob nyan. Grabe! Kita din sa pwesto namin yung itim na van na nakapark sa garahe. At parang customized nga yung hitsura kasi hindi sya yung gaya ng normal na van lang. Mas malaki sya ng konti compare sa usual van na makikita mo sa mga kalsada. "Shutek, parang sa maling bahay pa ata tayo hinatid ni Manong." Naiinis at nakabusangot nang sabi ni Yves. "Ihh, pano na 'yan? Hindi tayo makakaalis dito. Wala na yung van. Pa'no tayo uuwi?" Pati si Sheena ay nakabusangot na din. "Try nyo kaya tawagan si Manong? Ask him na lang if pwedi syang bumalik dito." Suggestion ni Ate Aiah na ikinangiwi ni Yves. "Isa pang problema yan, Yah. Wala tayong number ni Manong." "Ehh? Ayun lang." "Paktay!" "Hays!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga mukha nilang tatlo. Para na silang pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga hitsura nila. "Naman kasi, eh. Bat naman dito tayo binaba ni Manong? Tsk!" Pabagsak na naupo si Yves sa gilid ng daan malapit lang din sa gate ng bahay na nasa harapan namin. Medyo angat kasi sya ng mga 5 inches from the main floor ng kalsada. Naupo na din si Shee sa tabi nya at nangalumbaba habang nakasimangot din. Nagkatinginan na lang kami ni Ate Aiah at parehong napailing at napabuntong hininga. "Bat ba kasi kailangan pa nating tumira sa ibang bahay? May mga bahay naman tayo, ah?" Kunot noong tanong ni Shee. "Part ng scholarship na in-applyan natin yun. Saka ang layo-layo kaya ng school sa mga bahay natin. 3 to 4 hours yung byahe araw araw. Makakarating lang tayo sa school, lunch break na." Sagot ko na mas lalong ikinabusangot nya. "Tama si Jho, Shee. Mas okay na 'tong titira tayo sa ibang bahay kesa naman araw-araw tayong babyahe ng sobrang layo." Sabi ni Aiah. "Fine! Pero naiinis pa din ako. Saka halatang maling lugar yung napuntahan natin. So pano na? Pano tayo uuwi?" Napailing na lang ako at hindi na lang sinagot ang tanong nya. Malalim akong bumuntong hininga at nagdecide na maupo na din dahil medyo nangangalay na din ako kakatayo. Pero hindi pa man lumalapat yung pang upo ko sa semento ay biglang bumukas yung maliit na gate nung bahay tapos may lumabas na isang babae na nasa mid 30's na ata. Nakasuot sya ng asul na parang uniform ata ng helper sa bahay na 'to. May karga-karga din syang pusa na mix ng black, brown and white yung kulay ng fur. Para ngang mini tiger ang hitsura, eh. Nagulat pa sya nang makita kaming apat sa labas ng gate at tinignan ang mga gamit na dala namin. "Ay? Teka, kayo ba yung mga bagong estudyante sa LAVS Academy?" Tanong nya. Nagkatinginan naman kaming apat bago sabay-sabay na tumango. "K-Kami nga po." Nahihiya pang sabi ni Yves. "Ha? Aba, eh bakit andyan lang kayo? Bat hindi kayo nagdoorbell agad?" Kunot noong tanong nya. "P-Po?" Nahihiyang napakamot sa ulo nya si Yves habang kaming tatlo ay pare-parehong nakangiwi. "A-Ano pong ibig nyong s-sabihin na bat hindi po kami n-nagdoorbell?" "Ay nakung mga bata to, oo?! Hindi nyo ba alam na dito kayo titira?" Pare-pareho naman kaming nagulat sa sinabi nya. Lahat kaming apat nakanganga at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "S-Sandali lang po, Ate, ah? P-Pero... pero seryoso po k-kayo? D-Dyan?" Turo ni Shee sa malaking bahay. "Dyan po k-kami titira?" "Aba'y oo. Kanina ko pa nga kayo hinihintay kasi ang sabi ni Dean kanina, eh, ngayong araw daw kayo dadating. Tapos hindi ko alam na andito na pala kayo sa labas. Naku, kung hindi pa ako lumabas para pa-ihiin tong si Haru, hindi ko pa malalaman na dumating na pala kayo dito." Sabi ni Ate, hindi ko alam name nya. But the cat name's Haru? Ang cute! "Ay hala, pasensya na po, Ate. H-Hindi po kasi namin alam na ito na po pala yung tutuluyan namin. Akala po kasi namin maling place at bahay yung napuntahan namin kaya hindi po kami nagdoorbell. Sorry po, ah." Paghingi ng tawad ni Yves habang nakangiti ng pilit, more like nakangiwi at napakamot pa sa ulo nya. "Sorry po. Akala po talaga namin naligaw na kami." Segunda ni Shee. "Saka hindi po kasi namin in-expect na ganito po pala kalaki yung bahay na tutuluyan namin. Akala po namin parang dorm lang po yung bahay. Eh, mansyon po to." Dagdag ko naman. Natawa naman yung babae sa amin. "Naku ayos lang, mga ineng. Sya pasok na kayo. Saglit lang at papaihiin ko lang tong alaga namin. Hintayin nyo na lang ako sa may main door, ah. Saglit lang ako." Aniya at tumango lang kami habang panay pa din ang paghingi ng sorry sa kanya. Lumayo muna sya sa amin at pumunta sa kabilang side ng kalsada saka ibinaba yung pusa na nagtatakbo naman agad papunta dun sa may malaking puno para ata umihi. Cute. Parang gusto ko na tuloy mag alaga ng pusa. So ayun, pumasok na kami ng gate bitbit yung mga dala naming gamit saka tinungo yung main door at doon naghintay kay Ateng helper. "Shux! Nakakaloka, grabe?! Dito talaga tayo tutuloy?" Hindi makapaniwalang sambit ni Shee habang nililibot ang tingin sa loob ng bakuran ng malaking bahay. "Ang ganda tapos ang lawak! Shett! Ngayon lang ako nakapasok sa gantong lugar. Nakakaloka!!" Natatawang napailing na lang ako habang pinanunuod syang maglibot-libot sa bakuran. Kasunod nya si Yves na kagaya din ng reaksyon ni Shee. Manghang mangha sila sa mga nakikita nila. Akala mo mga batang first time nakapasok ng playground, eh. Well, kahit ako naman ay namamangha din. Sino bang hindi if ganito kalaki at kagarang bahay ang tutuluyan mo? Exterior pa lang, ang ganda na. Pano pa kaya yung loob, no? Grabe! Nakakaloka talaga. Nakatayo lang kami ni Ate Aiah malapit sa may main door habang yung dalawa panay ang tingin at lakad kung saan saan. Tinatawag at sinasaway nga namin kasi mamaya baka may masira sila sa mga yun. Ang laking bayarin yun, naku! Maya maya ay biglang bumukas yung main door na ikinagitla namin ni Aiah. "Oh. May tao pala." Sabi nung babaeng nagbukas ng main door. Halatang nagulat sya kahit hindi kita sa facial expression nya. Matangkad sya tapos abot balikat yung buhok na may pagkabrownish. Medyo pabilog yung face nya tapos medyo singkit, and matangos yung ilong. Maputi din sya at kitang kita yung ganda ng hubog ng katawan nya kasi nakasuot sya ng white na parang sando na fittted tapos gray na jogger. Sexy naman. Sheneol! Palipat lipat ang tingin nya sa'kin at kay Ate Aiah na pakurap-kurap lang naman na halatang hindi alam kung anong sasabihin. Tumikhim ako saka nahihiyang kumaway at humakbang palapit sa kanya. "Uh, hello po? K-Kami po yung transferee sa LAVSA na m-makikitira po d-dito. M-Magkakasama po kaming apat." Sabi ko habang pilit na nakangiti. Walang nagbago sa facial expression nya pero napatingin sya kila Yves at Sheena na may kung anong tinitignan sa may parang pond ata yun. Nakayuko silang dalawa dun at parang manghang mangha sa kung anong nakikita nila dun. "Uhm, you should tell your friends to stay away from there." Sabi nya at seryoso yung boses nya kahit na ang soft pakinggan. "It's off limits kasi." Nagulat naman ako sa sinabi nyang off limits yung part kung nasan yung dalawa. "A-Ah, ganun po ba? S-Sige po, tawagin ko lang po sila." Nahihiyang sagot ko saka nagmamadaling lumapit dun sa dalawa at daglian silang hinila palayo dun sa pond. "H-Huy?! Bat nanghihila ka, Jho?" Gulat at nagtatakang tanong ni Yves habang hila-hila ko silang dalawa. "Off limits daw yun. Wag kayong pasaway, please. Andyan yung may-ari." Mahinang sabi ko sa kanila. "Ha? Sino?" Tanong nilang dalawa kaya inginuso ko yung babaeng nakatayo sa may main door at nakatingin sa amin. Pero yung facial expression nya, ganun pa din. "Wow! Ang sexy nya, ah?" Nakangangang sabi ni Shee habang nakatingin dun sa babae. "Oo nga. Ang hot ni Ate gurl kahit sando at jogger lang yung suot nya." Sang ayon ni Yves. Naiiling na pinitik ko sila sa tenga pareho. "Huy, marinig kayo. Nakakahiya." "Aray, ah?! Tsk!" Nakasimangot na sila sakin pareho pero hindi ko na lang yun inintindi at hinila sila patungo sa may main door. Sakto ding nakapasok na ng gate si Ateng helper nung makabalik kaming tatlo sa pwesto ko kanina. Nagulat pa sya nang makita yung babaeng nakatayo sa may main door pero ngumiti din sya at lumapit dito. "Ay mabuti at lumabas ka, Gwen. Sakto at ipapakilala ko sa'yo tong mga bago nyong makakasama dito sa bahay." Sabi ni Ate helper dun sa babaeng tinawag nyang Gwen, if tama ang narinig ko. Tumango lang naman yung babae nang hindi pa din nagbabago ang facial expression nya. "Welcome sa inyo. I'm Gwen." Pakilala nya. Tumingin naman sa amin si Ate helper at parang sinisenyasan kaming magpakilala na din. Napatikhim muna ako bago nauna nang magpakilala. "Jhoanna po. Jhoanna Robles." "Ako maman po si Yves. Mahaba po name ko, eh kaya Yves na lang po. Yves Ricalde po." "Sheena Catacutan po. Sheena or Shee na lang po." "And I'm Aiah Arceta po. Aiah na lang po." Ngumiti naman si Ate helper sa amin habang yung katabi nya, wala man lang nagbago sa mukha. "At ako naman si Jovz. Ate Jovz na lang itawag nyo sa'kin. Helper dito sa bahay. Tapos yung driver natin dito is si Mang Isko. Nasa likod sya, may ginagawa lang. Papakilala ko kayo mamaya." Sabi ni Ate Jovz. Tumango naman kaming apat bilang sagot. Nang biglang sumingit yung katabi ni Ate Jovz para magpaalam. "Alis na 'ko, Te Jovz. Balik ako mamaya bago magdinner. Text nyo na lang din ako kapag dumating na yung tatlo." Magalang na wika nya pero yung mukha nya ganun pa din. Ang blangko, grabe! "Sya sige. Ingat ka." Tumango lang sa kanya si Gwen bago nagsimulang maglakad padaan sa may gitna naming apat. Nag-excuse naman sya kaya hinila ko ng konti si Shee para makadaan sya hanggang sa tuluyan na syang makalabas ng gate at hindi na namin sya natatanaw pa. "Bat po parang... parang ang cold nya?" Takang tanong ni Shee habang nakatingin pa din sa gate kung saan lumabas si Gwen. "Hindi naman. Sadyang ganyan lang talaga yang si Gwen pero mabait naman yan. Hindi lang talaga sya masyadong expressive na tao pero mabait yun. Masasanay din kayo sa kanya." Sagot ni Ate Jovz saka inaya na kaming pumasok. Sumunod na lang kami sa kanya papasok after nyang buksan yung main door. May mga sinasabi sya about sa bahay like tinuturo nya yung mga pasikot-sikot. Napanganga pa kami nang makita namin yung loob ng bahay. Ang ganda. From the designs, sa pagkaka-arrange ng mga gamit, yung space------lahat. Ang ganda at ang organized ng mga gamit. Nakikinig lang naman kami sa kanya para makabisa namin agad yung pasikot-sikot ng bahay kahit na bago pa lang kami dito. "Nga pala, may tatlo pa kayong kasama dito sa bahay bukod ay Gwen, sa'kin at kay Mang Isko. Mga estudyante din yun gaya nyo. Pero mamaya pa dadating yung mga yun galing sa bakasyon sa mga bahay nila." Sabi ni Ate Jovz habang paakyat kami ng hagdan. Dadalhin nya daw kasi kami sa magiging kwarto namin. "May dalawang malaking kwarto dito. Apat ang higaan bawat kwarto. Yung isa, ay yung kwarto nung apat. Yung nasa left side. Yung room nyo namang apat dito sa right side. Kayo na lang mamili kung aling higaan ang gusto nyo." Dagdag nya saka tinuro yung mga kwartong binanggit nya. Tinungo namin yung kwarto sa right side dahil dun ang kwarto namin at bawal saw kami pumunta sa kabilang kwarto. Pagbukas nya ng pinto ng kwarto ay namangha kami dahil sobrang laki. Ang lawak ng space ng kwarto at sakti lang sya sa aming apat. Pa-L yung style ng mga higaan pero up and down pareho at nakadikit sa pader. Pero malalaki din yung beds na sakto lang din sa'min since medyo matatangkad din kami. Except lang kay Yves kasi medyo mas mababa sya sa amin ng konti. "Dito ako sa taas, sa left." Sabi ni Yves. "Sa right side ako. Sa taas din." Sabi naman ni Shee saka agad silang umakyat pareho sa mga higaan na napili nila. Naiwan kami ni Ate Aiah na naiiling pareho. Nagtinginan kami at parehong nagtatanong kung alin ang gusto namin. "Dito na lang ako sa left side, Jho. Dun ka na lang sa baba ni Shee." Sabi nya at tumango lang ako bilang sagot. Si Ate Jovz naman ay binuksan yung dalawang magkalapit na pinto sa may dulo ng kwarto. "Eto yung banyo. Pati bathroom andito din. Tapos dito naman ang closet nyo. Kayo na lang din magdecide kung saang part kayo." Aniya bago lumapit sa may kurtina at hinawi ito at bumungad sa amin ang glass sliding door at sa labas ay yung isa sa veranda na nakita namin kanina sa labas. "Dito naman ang veranda nyo at may upuan dito na pwedi nyong pagtambayang apat. Medyo mainit lang dyan kapag bandang tanghali pero maganda yung view dito kapag umaga kasi kitang kita yung sunrise dito." "Wow!!!" Manghang sambit nung dalawang makulit na nagmamadali pa sa pagbaba ng mga higaan nila. Saka pumunta sa labas ng veranda. "Grabe ang ganda ng view!!" "Ang OA nyo. Wala pa ngang sunrise, eh." Naiiling na sabi ni Ate Aiah sa kanila. "Hindi, ah. Maganda kasi talaga yung view, Te. Ket tignan nyo pa." Sabi ni Shee. Natawa naman si Ate Jovz. "Naku, bukas nyo na tignan yan. Asikasuhin nyo na lang muna yung mga gamit nyo at magpahinga. Tatawagin ko na lang kayo kapag andito na yung tatlo para makilala nyo sila. Siguradong padating na yung mg yun." Aniya saka nagpaalam at lumabas na ng kwarto namin. Naiwan naman kaming apat at pare-parehong napakibit balikat. Iginilid na lang muna namin sa may pinto yung mga dala naming gamit at nagpasyang mamaya na ayusin yung mga gamit namin at umidlip muna. Nakakapagod din yung byahe papunta dito. 1pm kami umalis sa mga bahay namin tapos nakarating kami dito eksaktong alas quatro na ng hapon. Ang layo kasi tapos inabot pa ng traffic. Padapa akong nahiga sa higaan ko after kong maglagay ng earpods sa tenga ko at nagplay ng slow music para makaidlip ako. Pagod ako kaya matutulog muna ako. Then after a few minutes, tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD