Still Carlyn's Pov
"Bukas Carlyn check up mo na pala kaya sasamahan kita saka nasabi mo na ba ito sa pamilya mo?" Tanong ni Alex.
"Hindi pa kabado nga ako!" I reasoned.
"What if magpakasal na agad tayo? Para less issue syempre public figure ka!"
"Oo pero gusto ko alam ng pamilya ko ikakasal ako kahit simple lang yung kasal okay na sakin!"
Pagsapit ng linggo....
Alex's POV
This is the first time na magpapacheck si Carlyn kasama ako syempre sa private ob-gyne ko sinamahan si Carlyn para less issue mahirap pag sa maraming tao like public center pa magpacheck up.
Nakahiga si Carlyn while doing ultrasound sa kanyang sinapupunan.
"5 weeks pregnant na po ang misis nyo kailangan nyang uminom ng folic acids and iwasan ang stress dahil risky ang pagbubuntis nya!" Payo ni Doc sakin.
Aaminin ko di pa ako handa mentally sa pagiging ama kaya nga until now wala parin akong nagiging girlfriend but simula nang nakita ko ultrasound ng magiging anak namin ni Carlyn my heart felt so happy and I saw my future with Carlyn like magkakaroon kami ng masayang pamilya.
"Sige po doc!" Tanging saad ko.
Tumingin ako kay Carlyn.
"Narinig mo sinabi ni Doc? Iwasan mo daw ang stress kasi makakasama yan sa baby natin. Saka nga pala pag di mo kayang magwork don't pressure yourself nandito lang ako basta sabihin mo lang kapag di mo kaya magwork since sobrang sensitive mo pala magbuntis!" Saad ko na may halong pagmamahal.
"Salamat sa pag-aalala mo sa amin Alex!" She said with a smile.
Ako na nagpasya magbayad ng check up ni Carlyn at nagbayad ng mga vitamins na kailangan inumin ni Carlyn magsisilbing support para sa kanyang pagbubuntis.
Pagkatapos ng check up inaya ko na kumain kami ni Carlyn sa isang restaurant.
Pagkapasok namin sa loob ng restaurant ay naupo kami at may waiter na lumapit sa amin.
"Ma'am and sir good morning ano pong order nyo?" Tanong ng waiter sa amin.
"Gusto ko ng grilled liempo with rice and mushroom soup!" Request ko.
Tumingin ako kay Carlyn kasi ang tagal nya magdecide.
"Anong order mo? Wag ka na mahiya kahit anong orderin mo okay lang! So ano bang cravings mo today?" Tanong ko.
"Gusto ko ice cream na may kamote fries and Carbonara sana po meron alamang saka fried tempura na may may sausage!" Nakangiting saad nya para syang bata hahah pero okay lang atleast may gana syang kumain ngayon di tulad kagabi ayaw kumain.
10 minutes later....
Finally yung order namin is nakahain na dito sa table
"Sure ka na kaya mong ubusin yan lahat?" Tanong ko kaso nagulat ako napakaraming inorder ni Carlyn na akala mo paramg may fiesta.
"Oo naman pero pag hinde pwede naman Ikaw kumain nyan lahat!" She said with a smile.
After namin kumain ay umuwi Muna kami sa boarding house para mag-empake nagpasya na kasi si Carlyn na umuwi sya sa probinsya nya sa Laguna para ibalita sa kanyang Ina na magpapakasal na kami.
Ako ang nagmaneho ng kotse then pagkarating namin sa gas station ay nagpagas Ako then si Carlyn naman ay nagbanyo grabe ang daming isinuka ni Carlyn.
5 hours later...
Finally nandito na kami sa Laguna and ginising ko si Carlyn.
Bakas sa mukha ni Carlyn ang pag-aalala kaya hinimas ko ang likuran nya.
"Wag kang kabahan ako na bahala!" Saad ko.
Hinawakan ni Carlyn kamay ko and nagpasya na kaming pumasok sa loob ng Bahay.
Pinaghanda kami ng suman at kape ng mama ni Carlyn dito sa salasand nagpasya akong magbless sa lolo at Lola ni Carlyn ganun nadin sa mama ni Carlyn.
Ang Ganda ng Bahay nila Carlyn dito sa Laguna napakasimple mukhang maliit lang Pala tingnan yung bahay sa labas pero once makapasok ka marerealize mo na malaki pala.
"Bakit naman biglaan ata pag-uwi mo dito anak saka sino ba yang kasama mong lalaki?" Tanong ng mama ni Carlyn kay Carlyn.
Dito na ako nakaramdam ulit ng kaba kaya huminga ako ng malalim para ihanda sarili ko bago magsalita.
"Ang totoo po nyan magpapakasal na po kami!" Saad ko.
Hindi kasi makapagsalita si Carlyn kaya inunahan ko na.
Bakas sa mukha ng mama ni Carlyn ang pagkagulat sa sianbi ko.
"Ano? Magpapakasal? Sigurado ba kayo dyan saka bakit ngayon mo lang pinakilala boyfriend mo?" Pagtataka ng mama ni Carlyn.
Uminom ako ng tubig dahil kinakabahan na ako mukhang gulat na gulat Sila sa plano namin magpakasal.
Tumayo mama ni Carlyn at nakapamewang ito sa amin senyales na nagtataray ito.
Nagulat ako nang lumapit mama ni Carlyn kay Carlyn at hinawakan nya ang leeg ni Carlyn gamit ang dalawang daliri.
"Kaya Pala biglaan ang plano nyong pagpapakasal dahil nabuntis mo na anak ko!" Saad ng mama ni Carlyn.
I was so shocked paano nya nalaman buntis si Carlyn?
"P_paano nyo po nalaman b_buntis sya?" I uttered.
"Dahil dalawa ang pintig na naramdaman ko sa leeg nya habang humihinga sya! Taga saan ka bang lalaki ka? Lakas ng loob mo ha ganyan na ba talaga mga kabataan ngayon kantutan muna bago kasal?" Sagot ng mama ni Carlyn sakin.
"Mama naman nakakahiya kay Alex! Wag kapo magsalita ng ganyan!" Pagmamakaawa ni Carlyn sa kanyang Ina
"Aba totoo lang naman sinasabi ko! Nakakatampo ka Carlyn! Ni Hindi mo nga sya pinakilala sakin nung nanliligaw palang tapos ano malalaman ko nalang nabuntis ka na! Di kita pinalaking ganyan! Gaano na ba katagal relasyon nyo?" Tanong ng mama ni Carlyn.
Sasagot na sana ako kaso she cut off my words.
"Wala kaming relasyon Ma! Aksidente lang lahat!" Mangiyak-iyak na saad ni Carlyn.
Napayuko na lamang mama ni Carlyn sa sobrang disappointed.
"Napakacheap mo talagang babae ka!!! Napakadali mo naman bumigay sa di mo naman karelasyon Jusko Hindi ka na ba natututo sa Buhay natin? Pinalaki kita kahit walang tatay dahil ang tatay mo ibang babae ang piniling pakasalan tinalikuran nya resposibilidad sa atin pagkatapos nya magpakasarap! Di ka pa ba natuto dun Carlyn?" Sigaw ng mama ni Carlyn kay Carlyn.
Medyo nasasaktan ako sa mga sinasabi nila dahil nakaramdam ako ng awa.
"Wag po kayo mag-alala tita kahit anong mangyari papanagutan ko anak nyo!" Saad ko.
"Dapat lang! Alex dahil sobrang nahirapan ako palakihin anak ko saka isa pa ayokong maranasan nya mga naranasan ko."
"Pangako po tita!"
Napansin ko nalang humihikbi si Carlyn sa pag-iyak kaya isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko.
"Ano bang trabaho mo iho?" Tanong ng mama ni Carlyn sakin.
"Electrical Engineer po at professor din po ako sa U.P" I answered.
" Engineer naman Pala itong mapapangasawa mo anak! Kahit wag ka na mag bold star kaya ka nyang suportahan!" Saad ng mama ni Carlyn kay Carlyn
Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil mas Malala Pala mama ni Carlyn magsermon kaysa sa nanay ko.
"Patawarin nyo po ako di ko sinasadya!" Pagmamakaawa ko.
"Di sinasadya? Maniwala sayo! Asan mga magulang mong lalaki ka? Kakausapin ko dapat lang na pag-usapan na ang tungkol dito!"
"Nasa manila po magulang ko wag po kayo mag-alala dadalhin ko po Sila dito sa pamamanhikan" I reasoned.
"Sa linggo gusto ko dalhin mo na Sila dito para mapag-usapan na ang mangyayari sa kasal!"
Grabe sa linggo na agad ang bilis
"Hanggang maliit pa tyan ng anak ko gusto ko makasal na kayo dahil ayokong mapahiya!"
"Wag po kayo mag-alala makakaasa po kayo!" Pangako ko.
"May girlfriend ka ba iho?"
"Buong buhay ko po wala!" I answered.
"Talaga? Sa edad mong yan saka ang Ganda ng trabaho mo at Isa pa di ka naman panget!" Pagtataka ng mama ni Carlyn sakin.
"Totoo po yan Ma! Kasi since college magkaibigan na kami sobrang focus sya sa goals nya!" Saad ni Carlyn.
Paglipas ng ilang Araw sumapit na ulit ang sabado.
I'm here sa loob ng classroom kakaunti palang mga students na napasok plano ko ngayon magbigay ng exam sa mga students ko na second year. Nakatayo ako habang nakasandal sa table ko
Naupo si Jordan sa upuan na nasa unahan ko.
"Sir Mallari pwede po magtanong?" Saad ni Jordan.
"Oo naman Saka ano itatanong mo?"
"Di naman po sa pagiging chismoso sir pero Nakita ka po namin ni Wilmer na kasama yung bold star na babae sa boarding house nyo pasensya na po diko tanda pangalan nung babae! Kaano-ano nyo po yung babae?" Tanong ni Jordan sakin.
"Fiancé ko yun!" I reasoned.
"Congrats sir! Ang swerte nyo po sir kasi sikat mapapangasawa nyo!" He said with a smile
"Swerte talaga mabait din kasi at maasikaso future wife ko!" Nakangiting saad ko.
Biglang dumating mga students na iba and pagkatingin ko ay kumpleto na lahat ng students dito sa room.
Kaya nagpasya na akong umupo sa upuan ko para magcheck ng attendance and nagsimula narin ako magpaexam.
2 hours later...
Kakatapos ko lang magpa exam sa mga students ko kaya ramdam ko na ang pagod
Umuwi Ako sa boarding house pagkauwi ko pinaghanda Ako ng pagkain ni Carlyn.
It's lunch time na kasi sinamahan ko si Carlyn kumain. Umupo Ako sa upuan kung saan si Carlyn ang katapat
"Sarap ng luto mo sinigang sa bayabas tapos may bangus!" Nakangiting saad ko.
"Pasensya na kung di ko nahintay matapos klase mo! Ako nag check kami tapos nagquiz ng students ko! Nakakatuwa nga at maraming nakapasa!" Nakangiting saad ni Carlyn sakin.
"Yung sakin mga alanganin pa students ko bukod tanging tatlo lang nakapasa!"
"Mukhang pagod ka ah Tara massage kita!" Saad ni Carlyn Saka tumayo para lumapit sakin. Pumunta si Carlyn sa likuran ko at hinawakan nya ang mga balikat ko then she started to massage my shoulder.
I felt so relaxed.
After kumain ay nagpasya na kaming umalis ni Carlyn kasi gusto ko ipakilala si Carlyn sa pamilya ko.
Pagkadating namin ay kumatok ako then agad naman akong pinagbuksan ng pintuan ni Papa.
"Hi Alex kamusta? Totoo ba itong nakikita ko? May kasama kang artista?" Pagtataka ni Papa.
"Oo pa!"
"Pasok kayo dito sa loob!" Saad ni Papa then pumasok kami ni Carlyn sa loob at umupo sa Salas.
"Alam mo iha napapanood kita palagi!" Saad ni papa.
Napangiti nalang ng pilit si Carlyn sa sinabi ni Papa.
Napapailing nalang Ako sa mga compliments ni papa kasi naman ang hilig talaga ni Papa manood ng bold hayst.
"Anak ano bang pag-uusapan natin na napaka importante?" Tanong ni Papa
Biglang bumaba ng hagdanan si Aldrin.
Hinawakan ko kamay ni Carlyn at napansin naman ni Papa yun.
"Papa magpapakasal na po kami ni Carlyn!" Sagot ko.
"Ano? Talaga? Anak ang galing mo talaga pumili ng babae sakin ka talaga nagmana!" Saad ni Papa.
"Kuya Alex mag-aasawa kana po? So di ka na titira dito sa Bahay?" Tanong ni Aldrin sakin honestly itong Kapatid kong si Aldrin ay ten years old palang.
"Oo eh pero wag ka mag-alala di kita kakalimutan bunso!" Nakangiting saad ko.
Bumaba din ng hagdanan si mama at lumapit sakin.
"Okay lang anak kung mag-aasawa kana nasa tamang edad ka na saka maganda naman trabaho mo!" Nakangiting saad ni Mama sakin.
"Salamat po sa suporta nyong lahat!" Nakangiting saad ko.
"Kailan ba ninyo plano magpakasal?" Tanong ni papa.
"Sa isang buwan pa po!" I answered.
Sa paglipas ng tatlong Araw nagpasya kami ni Carlyn na pumunta sa munisipyo para magfile ng marriage contract.
Para next next week is pwede na kaming ikasal ni Carlyn.
Lumipas ang ilang Araw we are here again sa Bahay ni Carlyn pero kasama parents ko para sa pamamanhikan ko and of course dahil sa tradition nagdala kami maraming foods dito sa bahay.
Mabait naman Lolo at Lola ni Carlyn syempre mabait din yung nanay kaya nga lang mataray.
"So sure na yan na next week na yung kasal?" Tanong ng mama ni Carlyn.
"Opo! Sabi naman po ni Carlyn gusto nya simpleng kasalan po!" I reasoned.
"ABAY dapat lang pakasalan mo anak ko kawawa naman kung hindi dahil nabuntis mo na eh!" Saad ng mama ni Carlyn sakin na ikinagulat ng mga magulang ko.
"Ha? Ano? Nabuntis mo na sya anak?" Tanong ng mama ko sakin.
Napatango nalang Ako.
"Galing mo talaga anak! Nakabuo ka na agad!" Nakangiting saad ng Papa ko dahilan para mapayuko ako dahil sa hiya.
Grabe talaga si Papa kahit kailan hayst.
"Proud ka pa talaga Arthur na binuntis na agad ng anak natin si Carlyn?" Pagtataka ni mama Kay papa.
"Sorry na! Honey!" Malambing na saad ni papa Kay mama.
Napapakamot nalang Ako sa ulo dahil sa attitude ni Papa.
Author's POV
On April 9 Carlyn and Alex ay nagpasya na magpakasal sa west at tanging pamilya lang nila ang imbitado.
Unfortunately, Carlyn wants to keep it private about sa pagpapakasal nya kay Alex kaya kakaunti lang ang inimbita nya sa kanyang kasal.
Masyadong mabilis ang pangyayari sa dalawa. Kailangan nila magpakasal alang-ala sa pinagbubuntis ni Carlyn.
After wedding...
Carlyn's POV
After namin ikasal ni Alex were here sa bahay na ipinatayo ni Alex.
"Dito na tayo titira! Maganda ba itong Bahay?" Tanong ni Alex.
"Oo sobra ganito gusto ko simple lang!"
Pumasok na kami sa loob ng Bahay kulay dilaw ang Bahay ni Alex it has 3 bedrooms sa mga bedrooms may kanya kanyang Comfort room. Katamtaman lang din ang size ng kusina.
Pagkatapos mag-ikot sa buong bahay ay nagpasya na kami ni Alex pumasok sa kwarto.
"Tara tabi tayo!" Pag-aaya ni Alex.
"Tu_tulog lang tayo ha!" I uttered.
"Wag ka mag-alala di naman kita gagalawin! Pero kung gusto mo okay lang din!" Pabirong saad ni Alex.
"Ayoko pa! Gusto ko matulog nalang tayo!"
I decided na tumabi kay Alex dito sa kama.
Magkaharap kaming dalawa habang nakatagilid paghiga.