CHAPTER 34

1051 Words

Magnus Maingat kong pinasadahan ng liha ang maliit na hugis parihabang kahon na yari sa kahoy. Sandali ko itong pinagmasdan saka ibinaba para suriin. Dapat maging pulido ang pagkakagawa nito dahil ito ang magiging himlayan ng aking anak. Ang anak namin ni Alexa na hindi man lang nabigyan ng pagkakataon para masilayan ang mundo. Ni hindi ko siya nadama sa sinapupunan ng aking asawa. Napatingala ako sa kisame nang mag-init ang aking mga mata. Tila nagbabadya ng isang masaganang luha at handa na naman bumuhos. Lalong bumigat ang dibdib ko at tila kayhirap huminga. Umupo ako sa katabing stool na yari sa kahoy saka marahas na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi ako dapat panghinaan ng loob dahil kailangan ako ng asawa ko. Ngayon niya ako higit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD