Nag-init ang ulo ko sa sinabi ng gwapong lalaki sa harap ko, este pangit pala. Hindi siya gwapo! Masama ang ugali niya. “Hindi ko kasalanan kong hindi mo ko nakita.” giit ko. Akala ko mabait siya pero hindi pala. Ubod siya ng suplado at maganda ang mga mata. Umiling ako sa huling naisip. “Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo, Miss!” sigaw niya muli sakin. Hindi ko alam kong bakit sobrang ikli ng pasensiya ko ngayon at pinatulan ang lakas ng sigaw niya. Nagpanting ang tainga ko sa sobrang lakas ng boses niya. “Sir! Kayo po yung bulag at hindi nakatingin sa dinadaanan!” Pinatulan ko na ang sigaw niya. Halos puro sigaw na lang ginawa namin hanggang nauwi na ito sa bangayan. “Kung hindi ka lang babae…” bulong niya. “Anong sabi mo?!” Akmang itatapon ko sa kanya ang natirang tubig sa

