Chapter 2: Wedding Plans

1224 Words
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabasa kanina. Naglakad ako ng pabalik--balik sa sala at sa pinto pero nakita ko ang mga bodyguard na pumunta lahat sa main door. Bantay sarado na naman ako pero hindi ako papayag sa gustong mangyari ng parents ko. Tumunog muli ang cellphone ko. Almost thirty missed calls came from my parents, but I still didn’t answer. Bakit sila ganito? Am I a puppet for them? Hindi ba nila ako anak? Kinuyom ko ang palad ko at pigil ang sariling magwala at sumigaw hanggang narinig ko ang busina ng kotse. Ang parents ko umuwi ng maaga. Effective pala ang hindi sagutin ang mga tawag nila. Isang malakas na tunog ng pinto ang nagpagulat sakin. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?” Bungad agad ni Mommy sa akin habang salubong ang kilay. Akmang sasagot ako ng biglang siyang magsalita muli, “At ano yang suot mo? Bakit nakasuot ka ng malaking damit?! Saan mo galing yan?” Sunod-sunod na tanong niya at hinila niya ang kamay ko. Sinama niya ako hanggang sa kwarto ko. Binuksan niya ang walk in closet ko at pinaupo roon. Habang abala siyang maghalungkat ng damit hindi ko mapigilan ang sarili at humarap sa kanya. “Totoo ba?” Napalingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay. “You are not a kid anymore, Myrtle. Grow up!” Sigaw niya na hindi pinapansin ang tanong ko. “Kaya ba ipapakasal niyo na lang ako sa lalaking pasok sa standard niyo? Na hindi—” “Enough! Get dressed! Marami pa tayong gagawin,” Sagot niya at hinagis sa mesa ang skirt at blouse. Iniwan niya akong nag-iisa sa silid. Napa-iyak na naman ako. Parang akong robot na dapat laging sunod-sunuran lang sa kanila. I thought okay lang na planuhin nila ang buhay ko mula pagkabata since gusto lang nila na mapabuti lamang ako, pero mali pala ako. Sobrang sakit sa puso. Nasasakal na ko. Paano pa kapag nakasal ako sa hindi ko naman mahal? Kailanman hindi na ako makakalabas sa presong ito! Tumayo ako at nagbihis. Tumingin ako sa salamin. Pinunasan ang mga namumuong bagong luha. Kung hindi ako gagawa ng paraan habang buhay ko itong pagsisihin. Ayaw kong dumating sa point na tuluyan akong masakal at puno ng pagsisisi dahil wala akong ginawa. Pinilit kong labanan ang emosyon ko at pinuntahan na sila sa sala. “See! You look great in those fashion trends. Huwag mo nang muling susuotin ang baduy na extra large shirt na yun.” Kinuyom kong ang kamao at pigil ang galit na namumuo sa akin dibdib habang patuloy pa rin sa pagsermon si mommy. Habang si Daddy naman nakatuon ang atensyon sa laptop sa harap niya. “Ano po bang mahalaga pag-uusapan natin.” Umupo ako ng pirmi at tinali ang mahaba kong buhok. “Stop it. Let your hair down.” Sagot ni Mommy. Tinanggal ko ang tali at tumikhim para hindi malabas ang pagka-irita ko. It is too much. “I think you already knew,” Sumabat samin ni Daddy. Hindi ako sumagot at yumuko lang ng ulo. “Alam kong hindi ka naniniwala sa arrange marriage pero—” “Para sayo lahat ng ginagawa namin.” Putol ni Mommy kay Daddy. Akmang magsasalita muli siya nang biglang tinaas ni Daddy ang kamay niya. It is sign na dapat wala munang magsasalita samin at makinig lang sa kanya. Inilipat ni Mommy ang tingin kay Daddy at para ba silang nag-uusap sa mga mata. “It is for your best. Lalo na nasanay ka sa magandang buhay na halos lahat ng galaw mo may kasama kang tumutulong sayo.” Gusto kong sumagot sa kanila pero pinigilan ko na lang ang sarili. Hindi pa rin pala nila alam na ako ang nag-aasikaso sa sarili ko at tumutulong din kay yaya. Sabagay mas okay na rin yun ang alam nila. Still, they spoiled me with everything I needed, and they were right; I got used to having everything even though it gave me a hard time instead of relief. “Kaya inaayos na namin ang lahat pati ang wedding plans niyo at naka schedule na rin ang pamamanhikan ng mga Grigsby.” Napatayo ako sa gulat. Hindi nga sinabi sakin ng maayos ang plano nila tapos ngayon ang discussion wedding plans na agad? Kailangan pa ba nilang ipaalam sakin yun?! Umiling si Mommy sa reaksyon ko. Alam ko na ang sasabihin niya, “It is for your own good sake, honey,” are the exact words she has told me since I was a kid. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng makaalis dito. Tumayo siya at lumapit sakin. Hinalikan ako sa noo at pinaupo. Tumingin ako sa bintana habang tuloy pa rin ang discussion nila sa wedding plans. Ang mga bodyguard sa labas masyadong mahigpit sa pagbabantay sa bahay. Napapikit ako ng mariin. Paano ako makakatakas dito? "Anak nakikinig ka ba?" Lumingon ako kay Daddy at tumango kahit ni isa wala akong naintindihan sa balak nila. Tinuon ko na lang ang atensyon sa screen ng laptop. Ang mga paborito kong mga bulaklak ang ilalagay sa harap ng simbahan pati sa mga upuan. Ngumiti ako ng mapait. Ang dream wedding ko magmula malaman ko ang tungkol sa true love. Sa kakabasa ko ng libro at kakapanuod ng mga romantic comedy movies masyado na akong na attach sa idea ng pag-ibig. Ang love mararamdaman mula sa taong magpapatigil ng mundo mo at magpapatibok ng malakas ng puso mo. Butterflies in my stomach. Iyon lagi ang nababasa ko kapag hindi maipaliwanag ang nararamdaman na kilig at parang nasa ulap ang ligaya. “Myrtle!” Nagulat ako ng winagayway ni mommy sa mukha ko ang hawak na papel. “Ano po iyon?” inosente kong tanong. Nag-ilusyon na naman ba ako? Napangiwi ako at nilagay ang kamay sa sikmura. “Ouch, pwede po bang magpahinga na ko?” Ngumiwi pa ako muli at kinunot ang noo. “Sige magpahinga ka na. Papaputahin namin ang yaya mo para bigyan ka ng gamot.” sagot ni Daddy. Agad akong pumanhik sa silid ko at humiga sa kama. Siguro naman hindi nila mamadaliin ang kasal tulad ng plano nila. Pinikit ko ang mga mata ko. Sana may panahon pa ako para makatakas bago ang kasal. Sumagi sa aking isip ang isang knight and shinning armor. Sana mayroon darating na isang binata na maipaglalaban ako at maipagtatanggol. Ngumiti ako ng mapait. Naloloka na yata ako at nag-iisip ng mga imposibleng bagay. Dumilat ako at tumayo. Naglakad ako palapit sa bintana at tumingin sa langit. Ito na ba talaga ang tadhana ko? Huminga ako ng malalim at sumandal sa pader. Malaki ang kwarto ko na may gradient color ng sky blue dahil para sakin it symbolizes happiness and positivity. Tuon ko ang atensyon ko rito. Tama! Kailangan ko na talagang makaalis. I need to find a way. Hindi pwedeng wala. Buhay na buhay ang determinasyon sa isip ko ng biglang may kumatok. “Mam Myrtle,” Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy si Yaya Marie, “alam ko masama pa pakiramdam mo pero kailangan mo raw mag-ayos bukas dahil pupunta na rito ang magiging groom mo.” Napaupo ako sa sahig sa sinabi niya. May magagawa pa ba ako? Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili. Do you think I can still stop the wedding plans?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD