Huminto ako naglakad at bumalik papunta sa bahay. Hinila naman ako ni Baste at tinignan ng masama. “Ano ba talagang problema mo?!” Tumaas baba ang dibdib ko at hindi nagpatalo sa kanya. “Pwedeng makisama ka na lang para hindi na tayo nagtatalo!” Sigaw niya at binitawan ako. Hinila ko ang laylayan ng damit niya kaya napaharap siya sakin at isang dangkal lang ang layo namin sa isa’t-isa. Nanaig ang inis ko sa kanya kaya pilit kong winawaglit ang kabog ng aking dibdib. “I need you to stop being rude!” Matapang kong sagot sa kanya. Tinuro niya ang sarili at tumalikod. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo niyan?” dagdag ko. Umiling lang siya at nagsimula na maglakad ulit. Gusto ko man bumalik na lang kay nanay Ising hindi ko magawa dahil baka sila ang masira sa may-ari ng Casa. Tahimik na la

