Natapos ang araw na iyon na wala akong ginawa kung hindi isipin kong iiwasan ko ba si Baste o hahayaan ko lang na ang puso ko ay unti-unti nang nahuhulog sa kanya. Hindi pala madali ang pag-ibig. Akala ko kapag umibig ka magiging masaya ka na araw-araw. Hindi pala lahat madaling i-handle at mas mahirap pa kapag nasa sitwasyon ka na at wala ka man lang masabihan. Maaga pa rin akong nagising kahit wala kaming pasok ngayon. Araw ng linggo at masaya ang mga tao na magsimba at magpahinga sa kani-kanilang tahanan. Ang mga huni ng ibon ay parang musika sa akin tainga kaya nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at sumasabay sa pagaspas ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam kaya hindi ko na pinapansin kong saan ako papunta hanggang makita ko na ang papasikat na araw. Ang kalangitan ay naging kulay gint

