Ashley POV: Isang linggo pagkatapos naming mag-usap tungkol sa plano ay bumalik kami dito sa pilipinas. Kahit na sobrang tutol ang buong pamilya. Si Loriene nga ay nagmaka-awa pa wag lang akong sumama bumalik sa pinas. Di naman namin pwede pabayaan ang isa't-isa. Pagkalanding ng eroplano ay agad kaming lumabas ng airport may nag-aantay nang sasakyan sa amin. Pagkapasok namin sa sasakyan na nag-aatay sa amin ay saktong nagdatingan ang mga reporter buti at tinted ang salamin ng sasakyan. Nagtataka akong tumingin kay Lia, sya kasi ang nakatokang mag-ayos ng pagbabalik namin sa pinas. Kaya paanong malalaman ng mga reporter. Nagkibit balikat lang si Lia na nagpapahiwatig na wala rin syang alam tungkol dito. So ang ibig sabihin may mata at tinga si Mr. Jones sa side namin. Kilangan namin malama

