Ashley POV: Dahil sa hilong nararamdaman ko ay medyo hirap akong maglakad patungo sa kinaroroonan ni tito Jaime. Medyo nararamdaman ko na ang panghihina, madami ng dugong nawala sa akin. Kaya naman umupo muna ako sa isang tabi at binindahan ang sugat ko sa may bandang tyan. Mabuti na lang at naisip kong magdala ng benda. Pagkatapos kong mabendahan ang sugat ko sa may bandang tyan ko ay naglakad ako patungo kung nasaan si Mr. Jones. Malapit na ako sa pinto ng biglang may humila sa akin at sabay ng pagputok ng baril. Pagtingin ko ay si Lia na nadaplisan ng bala sa kanang braso. Napalingon ako sa pinanggalingan ng balang dumaplis kay Lia at nakita kong nakahandusay na at may tama sa ulo ang isang lalaki. Paanong andito kayo? Nagtataka kong tanong sa kanila sa pagkakaalam ko ay naiwan sila

