Ashley POV: Masaya namang natapos ang araw namin. Kahit na nagkaroon ng konting di pagkaka-unawaan. Maghahapon ng matapos si Ram at Lia magswimming sobra kasi nilang naenjoy ang pagligo sa pool. Pagkatapos namin makapag-ayos ng mga sarili namin ay nagpunta na rin agad kami sa dining area para kumain. Sobrang tahimik ng mag-umpisa kaming kumain at ramdam ko rin ang kaba ng katabi ko. Baby! Are you okey? Malambing kong tanong sa kanya ng pabulong at sabay ang hawak sa kamay nyang nasa may hita nya. Tumango lang sya bilang sagot sa tanong ko. Pinisil ko ang kamay nyang hawak ko at ngumiti sa kanya ng matamis. Tinignan ko naman sila Mommy at Daddy na nakikiramdam din. Nabaling ang tingin ko kila Wint at Ram na nasa harap ko. Tumingin din ako ng makahulugan kila Sue at Lia. Tumango sila at sa

