Loriene Pov: May kumatok sa pinto ng ino-occupy namin kwarto ni Xiene. Tumayo ako sa kamang kinauupuan ko at binuksan ang pinto. Nagbigay ng kabog sa aking dibdib ang taong nakatayo sa harap ng pinto. Sa sobrang pagkamiss at pangungulila ko sa kanya ay niyakap ko sya agad ng mahigpit. Napa-iyak na rin ako habang nakayakap ako sa kanya. Sobrang namiss ko talaga sya kaya napatagal ang yakap ko sa kanya. di ko namalayan na nakalapit na sa amin si Xiene. Mommy, Momdy... Sabay hatak nya sa t-shirt namin ni Ashley. Kaya napatingin kami sa kanya at napangiti. Dahil nakataas ang dalawa nyang kamay na ang ibig sabihin ay nagpapakarga sya. Agad na kinuha sya ni Ashley para buhatin. Pagkabuhat nya kay Xiene ay tumingin sya sa akin at kiniss nya ako sa lips ng madalian. Hinawakan nya ang kamay ko at

