Lia POV: Lalo kaming nakaramdam ng kaba ng dumaan na ang tanghali at wala pa rin si Ley. Halos mapatalon pa kami ng tumunog ang private phone ni Ram, dahil sa gulat namin. Kanina pa may natawag sa amin kaso ayaw namin sagutin dahil natatakot kami. Iisang tao lang ang tumatawag simula pa kaninang umaga. Kinakabahang sinagot ni Ram ang tawag na halos di na sya humihinga. Hello! Nag-aalangan nyang sagot sa kabilang linya. Niloud speaker pa nya para marinig namin ang pag-uusap nila. Hello Ram! Where's Ley? May nag-aalalang tanong ng nasa kabilang linya pagkasagot ni Ram ng tawag. Tumingin sa amin si Ram na parang nanghihingi ng tulong umiling kami na ang ibig sabihin ay wag sabihin na di pa umuuwi si Ley. Ramdam din namin na may inis sa tono ng boses ng nasa kabilang linya. Ahm Loriene!

