Ley/Lex Pov: AT THE CONDO UNIT Iyak sya ng iyak matapos nyang malaman ang tungkol sa mga plano ng papa nya. Nag-aalangan tuloy ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa mommy nya. Siguro di muna ngayon malalaman din naman nya kapag nagkaharap na sila. Sa sobrang pag-iyak nya ay nagpasya na kaming wag na muna ituloy ang pagkwekwento sa kanya ng lahat. Kaya nagpaalam na rin sila Sue at inaya ko na rin sa kwarto si Loriene para makapagpahinga. Hindi pa buo ang nalalaman ni Loriene pero baka di nya kayanin kapag nalaman nya ang lahat. Haaayyy!!! Buntong hininga ko at inistraight ang alak na nasa baso ko. Nagsalin uli ako ng alak sa basong hawak ko. Iniisip ko ngayon kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat-lahat. Iniisip ko rin ang kaligtasan nya gayong may alam na sya. Nabalik sa

