Loriene POV: Napa-iyak na lang ako bigla, di ko alam kung anung dapat kung maramdaman. May pakiramdam kasi akong ako ang tinutukoy nyang anak. Di ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan. Gusto kung sumigaw, magwala o kahit anong pwedeng gawin para lang mawala ang nararamdaman ko. Di ako makatingin sa taong dahilan ng sakit na nararamdaman ko. Ano ba ang dapat kung maramdaman sa mga sandaling ito. Nakayakap pa rin ako kay Ashley ng mahigpit. Maraming katanungan ang gumugulo sa akin ngayon. Bakit ngayon lang nya naisip na ipaalam ito sa akin? Siguradong sabi ko sa sarili ko, ramdam ko sa puso ko na ako ang tinutukoy nya na anak nya. Bakit sa tagal ng panahon ay ngayon lang sya nagkalakas ng loob na harapin ako? Sadyang ganun ba kasama si Papa para patayin nya ako. Dalawa lang yan sa

