Pagkagising ni Fely ay agad niyang tinignan ang kaniyang cellphone. Tila ba naghihintay ito kung na accept na ngaba ni Jay ang kaniyang friend request sa f*******:.
"Aba, ayaw siguro nito akong maging kaibigan. Edi wag." Sabay hagis ng kaniyang cellphone sa kaniyang kama at pumunta na ito sa kanilang banyo upang maligo.
Masyadong maganda ang araw para kay Fely kaya napag-isipan niyang kumuha ng mga litro at i-post ito sa kaniyang IG Story at f*******:. Habang siya ay abala sa pagkuha ng mga litro ay bigla nalang may notification siyang natanggap.
"AAAAAAAAA, inaccept niya ako!" Laking tuwa ni Fely at agad ito lumundag papunta sa kaniyang kama at maglundag sa kilig. "Halaa, ito naba ang simula ng aming love story! Malalaman..."
Hindi na nag atubili pang nag send ng wave emoji si Fely kay Jay. Naghintay siya ng ilang minuto at mayamaya pa...
"Hetooo naa, ba't siya nag reply. Ihhh, kinikilig na ako!"
"Hey, how are you? Diba roommates tayo noong isang araw sa orientation?" reply ni Jay sa wave emoji ni Fely.
Wait... ibig bang sabihin nito ay nakikilala niya ako? Tinitignan niya din ba ako noon? Hala siyaa, parang gusto din ako.
"Hi, opo. Ilang beses nakitang nakita. We are also in the same room noong unang pagsusulit at aptitude test." reply ni Fely kay Jay. Medyu natagalan ang pagreply ni Jay, "Ah, hindi ko napansin. Anyway, see you around."
Wehhh, ganon lang? Ayaw munabang pahabain ang usapan?
"Okay, see you around!" ganon nalamang at nagwakas ang usapan nila Jay at Fely. Ngunit kahit na ganoon ay hindi parin maalis ang ngiti sa mga labi nito. Hindi niya inaakalang mag-reply kaagad si Jay sa kaniya at namumukhaan pa ito.
UNANG ARAW NG KLASE
Sayang at hindi kami magkaklase ni Jay. Nasa kabilang section siya, kainis naman. Pero mukhang sasaya ang senior high ko ha, kaklase ko pala mga kaibigan ko. Kung pinagpala ka nga naman.
"Fely, ikaw daw ang maghawak ng mamaya sa flag ceremony ng section flag natin sabi ni ma'am." Tugon ng kaniyang isang kaklase.
"Ha? Ba't naman ako? Nahihiya ako at di ako marunong sumayaw mamaya sa zumba."
"Wala kang magagawa, bhe. Sabi na iyan ni ma'am, saka wala talagang may gustong humawak."
Patay na, ayaw ko pa naman na sa harapan dahil hindi ako makipag kwentuhan sa aking mga kaibigan sa likuran. Mukhang magiging good student pa ako sa harapan at saka hindi ako maka agaw tingin kay Jay.
Nasa unahan na ngayon ng kanilang section line si Fely. Nahihiya ito sapagkat nasa kabilang linya lamang si Jay at medyu malapit ito sa kaniya. Nais man niyang batiin ngunit masyado itong nahiya.
Pagkatapos ng kanilang flag ceremony ay agad na nagsimula ang klase. Matalino na estudyante si Fely kung kaya ay para sa kaniya maganda ang naging takbo ng unang dalawang subject sa umaga. Nang mag recess time na ay nagmamasid ito sa paligid tila bang may hinihintay na makita.
"Hoy, anong ginagawa mo?" Tanong sa kaniya ni Zen na papunta sa kaniyang inuupuang bench sa tapat ng kanilang building kasama ang kanilang mga kaibigan.
"Oo nga, parang kanina kapa jan may minamasdan ah..." sabay subo ng fries si Mervy, ang tanging lalaking kaibigan nila sa groupo ngunit hindi nila ito tinuturing lalaki sapagkay ayon kay Mervy ay nagiging Nica siya pag gabi.
"Wala. Ano... nahihilo lang siguro ako dahil nanibago sa klase."
"Ano, nanibago sa klase? Totoo bayan Fely, halos lahat nga ng katanungan nila ma'am ay uubusin mo sa pag sagot. Sa talino mo nayan ay hindi kami naniniwalang mahihirapan ka sa mga subject na ito." Sabi naman ni Nahmi, ang matalik niya din na kaibigan simula noong grade 8 palamang sila, kasama na doon si Zena.
"Pero totoo yan, Fely. Ngayon lamang tayo naging magkaibigan at magkaklase ay hindi ko maitatanggi na deserve mo talaga na makuha ang Valedictorian noong grade 10 plng tayo." Tugon naman ni Kate na kabigan ni Nahmi ngunit naging matalik na rin na kaibigan ni Fely.
"Oo na, ayaw ko talaga kapag ganito ang usapan. Tumahimik na kayo at kumain nalang."
"Kahit kailan talaga, ayaw talaga ni Fely na binibigyan ng compliment. Iwan ko nalang, hali na kayo at magsisimula na ulit ang klase." Sabi naman ni Zen.
"Mauna na kayo, susunod ako..."
"Bahala kajan Fely. Siguro hinihintay mong lumabas si Jay sa kabila nu?" Pang-aasar ni Zen.
Kahit kailan talaga itong si Zen ay mahilig magpasiwalat ng kaniyang mga nalalaman. Mabuti nalang ay matalik ko siyang kaibigan at alam ko na inaasar niya lamang ako.
Ilang minuto nalamang at magsisimula na ulit ang klase. Tumayo naman si Zen sa kaniyang inuupuang bench sa tapat ng kanilang building at magsisimula na sanang umakyat sa kanilang classroom ng bigla niyang makabangga si Jay.
"Ay, pasensya na." Hinawakan ni Jay ang kamay ni Fely upang hindi ito malaglag sa hagdan.
"You're Fely, right?" Tanong ni Jay kay Fely.
AAAAAA kilala niya pa ako at hinahawakan niya ang kamay ko? Ba't ang bilis ng t***k ng aking puso. Ayaw kunang makawala sa kaniyang mga kamay.
"Jay Robles, nice to see you again." Tumunog ang bell sa kanilang paaralan bilang hudyat na magsisimula na ulit ang klase.
"Yes. Good to see you, too." Ngumiti ang mga mata ni Jay sabay kaway kay Fely at pumasok na ito sa kanilang classroom.
Hindi naman maitago ni Fely ang kaniyang kilig habang papunta sa kanilang silid. Habang nakaupo ay napatulala nalang si Fely...
Ang ganda ng kaniyang mga boses. Hindi ko mapigilan ang lakas ng t***k nang aking puso.
"Fely Vergara?"
"Hoy, Fely! Present yan, sir." Sabay abot sa balikat ni Fely na nakatulala parin.
"Ay, sir. Present po, pasensya na."
Ano ba naman ito Fely. Focus ka, may klase pa tayo. Pero bakit ang bilis talaga ng t***k nang aking puso...mukhang sasabog. Breathe in...Breathe out!
"Fely, I would like you to tell me what your knowledge about our subject, Oral Communication."
Patay, mukhang ma didistract ako dahil kay Jay...
Natapos ang klase at umuwi kaagad si Fely sa kanilang bahay sapagkat ang dami nitong assignments. Inabot siya ng umaga kakagawa ng mga dapat niyang ipasa bukas.
"Huy, mukhang madaling araw ka naman natulog Fely. Kitang-kita sa lalim ng iyong eyebags HAHAHA." Sabi ni Zen sabay turo sa mga mata ni Fely.
"Ano kaba... natural lang ito sapagkat kinakailangan kong ibigay ang the best ko sa lahat ng mga pinapagawa. Maraming nag-aabang sa akin na bumagsak lalo't na ayaw nilang ako na mula sa regular class ang nakakuha ng pinakamataas na parangal. Kaya nga hindi ako nakapag Valedictorian speech eh." Sabay kuha ng maliit niyang salamin ang tinignan ang lalim ng kaniyang mga mata.
"Oo nga, go lang girl. Alam namin na ngayon ay makukuha murin yan." Tugon ni Zen habang nakangiti sa kaniyang kaibigan upang magsimpatya.
"Pero dapat huwag mo din masyadong inaabuso ang sarili mo Fely. Dapat ka rin na mag enjoy lalo't na ilang taon nalang ay magkokolehiyo na tayo." Sabi ni Nahmi at sumang-ayon naman si Kate.
"Tama, kaya ituro muna kung sino yung lalaking sinabi samin ni Zen noong nakaraang araw tungkol sa lalaking natitipuhan mo. Yieeee..." pangungulit ni Kate.
"Sa kabilang section siya, Jay Robles ang pangalan." Walang gaanong reaksiyon na sinabi ni Fely.
"Uyy, yung naka eyeglasses? Ang matangkad at may matipunong mga balikat?" Tanong ni Mervy.
"Ohhh, mukhang may taste ka nga. Ngunit hindi kupa nakikita ang kaniyang mga mukha dahil sa facemask na ito." Sabi ni Kate na mukhang interesado din na makilala si Jay.
"Oh, heto." Turo ni Fely sa litro ni Jay sa kaniyang cellphone.
Makikita naman sa mukha nila Kate at Mervy na sang-ayon sila kapogian ni Jay.
"Hala, mhiee. Ang pogi niya, para siyang koreano. Bagay kayo!" Natitiling sabi ni Kate kay Fely sabay hampas sa balikat nito.
"Ano kaba, syempre bagay kami. Boyfriend ko yan."
"ANO!?" mabilis naman na tugon ng isang lalaki sa likod ni Zen na kanina pa pala nakikinig.
"Joke lang, parang hindi naman mabiro. Syempre delusion ko lang ito. Pero baka soon, heuyy." Nakikilig namang sabi ni Fely.
"Eh, bakit ba ganiyan ang reaksiyon mo Ali?" Tanong naman ni Zen na nakataas ang kaniyang isang kilay.
"Wala lang, pasensya na at nakikinig ako sa usapan niyo kaya nagulat ako at bigla nalang niya naging boyfriend eh sabi naman kanina ay crush lang." Sagot ni Ali na napakamot sa kaniyang ulo.
"Ikaw, Fely. Wag kang mag delulu jan kaagad. Dapat happy crush lang tayo dito, sabi mo study first." Sabi naman ni Nahmi at sumang-ayon din si Zen.
"Ah, basta ako go lang talaga Fely. Support ako dahil bagay kayo!" Sabi ni Kate sabay labas ng peace out sign kay Nahmi at Zen.
"Mga loko kayo. Wag kayong mag-alala dahil alam ko ang ginagawa ko. Pero tama si Nahmi, dapat ay mag enjoy din ako. Kaya, gagawin ko siyang inspiration."
Tama, inspiration lang. Happy Crush...