Chapter 13 DHREVEY POV "Hey are you okay?" Napalingon ako sa taong biglang umupo sa tabi ko. Nandito kasi ako sa garden nag iisip. Iniisip ko kung ano nang mangyayari ngayon alam ko na ang lahat, na bumalik na ang alaala ko. "Ilang araw na simula ng gumising ka bigla ka na lang naging tahimik. Hindi ka kumikibo kapag kasama kami. Ano ba talagang nangyari nang gabing iyon? Bakit naabutan ka naming walang malay at marami patay sa paligid mo," sabi ni Charlie. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Napatingin lang ako sa kamay ko. Ang tanging alam ni Charlie ,wala akong maalala. Kaya sa ngayon kailangan kong magpanggap. "H-Hindi ko rin alam Charlie," sagot ko sa kanya. "Tell me, anong nangyari nang gabi na iyon," muling tanong niya. Napabuntong hininga ako. "Pauwi na ako nang may du

