SHAWN POV Para kaming nadaanan nang malakas na bagyo at natahimik kaming lahat na nandito nang mawala na silang dalawa. Hindi ko aakalaing makakarinig ako nang ganoon, Dahil sa pagkakaalam ko magkaibigan at partners silang dalawa pero ngayon nagkasalubong ang mga ugali nila. "Ouch!" biglang daing ni Mhearald. Kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Why Mhey?" "Kinagat ako ng langgam," sabi ni ate Mhearald. Napaupo ako at napapikit. "They are friends right? Bakit sila ganoon magsalita sa isa't isa?" nagtatakang tanong ni Jassy. "Sa tingin ko, may problema silang dalawa at napang abot ang ugali nila," sabi naman ni Vensley Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam ngayon kung paano kausapin si Dhrevey. "Mas lumala siya ngayon kaysa noon. Ganyan ba ang epekto sa kaniya nang pagmamaha

