Chapter 16 DHREVEY POV Humarap ako sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Katatapos ko lang maligo at magbihis. Kinuha ko ang make up-kit ko at naglagay ng face powder sa mukha saka kinuha ang itim na lipstick, Eyebrow, Eyeliner. Binuksan ko ang jewelry box ko at kinuha ang itim na kwentas at bracelet. Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Naka itim na sando, maging short ko itim at sapatos. Nanibago ako sa itsura ko, ganito ako manamit noon lero naiilang na akong magsuot nito. Para bang may burol akong pupuntahan. Ganoong sa M.A.A lang naman ako pupunta. "Aisssh!" Inalis ko ang itim na lipstick. Tinanggal ko ang kwentas at bracelet. Naglakad ako papunta sa walk'n' closet ko at naghanap ng damit. Kinuha ko ang isang kulay peach na blouse at isang brown na short. Sinu

