**SCARLETTE POV** Bumaba ako sa kotse malapit sa dalampasigan. Naaalala ko dito ko siya unang nakilala habang nagdadalamhati sa pagkawala ng pinsan ko. Siya ang bumuo ng gang noing nawala ang pinsan ko. Isa siya sa mga taong naging kaibigan ko ng matagal na panahon. Pero nang malaman ko ang katotohan sa likod ng pagiging kaibigan niya sa akin,nagbago ang takbo ng pakikitungo ko sa kanya. Oo kaibigan ko parin siya,pero iba na Ibang iba na. Natanaw ko siya sa malayo na nakatayo habang nililipat ang mahaba niyang buhok na nakatali. Lumapit siya dito at tinabihan. "Do you remember this place?"rinig kong sabi niya. "Of course,dito tayo unang nagkakilala.."sagot ko. "Dito rin nabuo ang mga plano natin laban sa kanila.."Sabi niya. Tahimik lang akong nakinig sa kanya. "At dito rin matatapo

