Before we start they're story,ipapakilala ko muna ang dating kaaway ng pamilya nila.
The book of Scarbethaina And Dhemmy Carteen
This is the story of The Legendary Assassin Empress.
Scarbethaina Wang Carteen.
This is a story of my life, that i want to share too the next Empress of my Empire Assassin Organization. I want them to know what happen in our lives in the past that affect in the future. This past would stay as past. But it will come back in the future, if those enemies would back in the future.
I,ScarBethaina Wang Carteen known us Thaina.
Carteen? Before i got that surname. There are so many sucrifices i have before, im become a wife of a man Carteen. Im from an elite family. Only Child of Mr.@Mrs Wang, My parents. They are so strict when it comes too me. I don't have a friends nor , I don't want too. I never go to school or college. Home study, Thats what i want.
Ayokong may mapalapit sa akin, dahil hindi rin naman sila magtatagal. Aayawan agad nila ako dahil ayaw nina mommy. Hanggang sa dumating ang 18 birthday ko, Debut ko. I meet some men to become my scort And that night they annouce that i have a fiancee. That i need to marry a man from Scott family. When we finish college. I meet my fiancee.
Jacoblaze Scott.
Hindi ko siya gusto para sa akin. Hindi ko alam, kahit sabihing mabait siya sa akin. Ayaw ko parin sa kanya. Nagsama kami sa isang condo. Mabait siya at pinagsisilbihan niya ako, pero binabalewala ko iyon hanggang sa nagalit siya sa akin. Lumabas ang totoong ugali ni jacoblaze. Lagi na niya akong sinasaktan. Kaya nagsumbong ako kina mommy. Pero hinayaan nila ako. Leksyon ko daw iyon dahil hindi ko sinuklian ang kabaitan ni Jacoblaze. Kaya wala akong nagawa. Nanatili ako sa condo namin ni Jacoblaze. Muntik na niya akong gahasain buti na lang at nakalayo agad ako. Balak kong tumakas kaya ng magkaroon ako ng tyempo tumakas ako. Buti na lang may pasok si Jacoblaze kaya nakaalis ako.
Dinala ko ang ilang gamit ko at pera narin para may pambili ako. Ayoko munang umuwi sa bahay , dahil siguradong masusundan ako ni jacoblaze. May dala akong kotse kaya balak kong umalis sa Maynila. Aalis ako sa bansa. Kaya kailangan kong makapagbook ng ticket.
Habang nagd-drive ako. Napansin ko ang mga motor na mabilis na nagpapatakbo kaya gumilid ako habang umaandar. Hindi ko alam kung anong meron. Sunod-sunod ang mga motor na mabilis na nagpapatakbo. Medyo madulas ang kalsada dahil narin kakahupa lang ulan. Sa pang huli atang motor bigla nalang itong natumba. Kaya nabigla ako. Hindi agad ako nakapreno noon kaya sumalpok ang kotse ko sa motor. Bago ako pumikit nakita ko pa ang lalaking mabilis gumulong sa gilid. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko bago ako nawalan ng malay at hindi ko alam kung mabubuhay pa ako sa lakas ng pagsabog na narinig ko.
Hindi ko alam kong himala ba ang nangyari sa akin at nabuhay pa ako. Basta nagising nalang ako, na nasa isang kwarto ako at nakabenta ang ulo ko at naka-cast ang benti ko na nakaangat.
"Your awake"
Iyon ang narinig ko pag gising ko. Nakita ko ang isang babae. Nasa Late-40s na ata siya pero maganda parin siya. Tinanong niya ako kung anong pangalan ko. Mabilis na nakapagpalagayan kami ng loob dahil mabait siya. Nalaman ko ang pangalan niya.
Zharmine Yoha Carteen.
Nasabi ko na lang sa sarili ko. Familiar ang Apelyido niya. Ang astig din ng pangalan niya. Tinanong niya ako kung saan ako galing. And of course nagsinungaling ako. Hindi ko sinabi na isa akong Wang. Dahil siguradong makikilala agad nila ako. Sa gitna ng pag uusap namin. May pumasok na lalaki. Nakabenda ang braso niya at noo niya. Unang tingin ko pa lang sa kanya. Gwapo siya at mukhang mabait. Anak sya ng babaeng kasama ko.
Siya si Ellionor Deno Carteen.
Dalawa raw silang magkapatid. Si Ellena Deammy Carteen.
Nang iwan kami ng mommy niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sigawan. Dahil binangga ko raw ang motor niya. Aba hindi ako nagpatalo at sinigawan din siya. Siya ang may kasalanan kung bakit nabangga ko siya dahil bigla siyang natumba sa gitna ng daan.
Hindi kami nagkabati ni Deno. Nalaman kong nasa mansion nila ako. At masasabi kong napakalaki ng mansion nila mas malaki pa sa amin. Nagtataka lang ako ng unang beses kong lumabas, dahil ang daming men-in black na nakatayo sa bawat pasilyo. Para bang nasa mansion ako ng napakakataas ng tao. Parang presidente kumbaga.
Nakasundo ko rin si Deammy dahil bukod sa mabait ay palakaibigan din siya. Si Deammy ang unang nakaalam sa nangyari sa akin at kung sino ako. Napalapit ako sa pamilya nila. Maging kay deno ay unti-unti akong nahuhulog. Bigla nalang kasi siyang bumait saakin at lagi akong isinasama sa lakad niya. Maging sa Kasiyahan ng mga kaibigan niya ay kasama ako at si Deammy.
Nakaibigan ko rin si LheNNa Mener at Fealline Novoh. Kaming nina Lhenna, Fealline at Deammy ay naging malapit na kaibigan.
Mahigit isang buwan akong nasa pamilyang Carteen. Akala ko magtatagal pa ako doon. Pero nagbago lahat ng pananaw ko sa kanila. Dahil akala ko normal na tao lang sila. 'Yun pala hindi.
Isang araw, kaarawan ni Deammy nasa isang resort kami ng pamilya nila. Kaming magkakabarkada, isinali na kasi nila ako sa barkada nila. Habang nagkakasiyahan kami ng gabing iyon. May bigla na lang nagpaputok ng baril. Hindi isa kundi sunod-sunod na at malapit na sa amin. Nakita ko kung paano naalarma ang kasamahan ko. Nagulat na lang ako ng makitang may hawak silang baril. As in lahat sila. Narinig ko ang sinabi ng isang lalaking lumapit sa amin.
Yumirai Mafia.
Pagkarinig nila sa sinabi nito. Agad na hinawakan ni Deno ang kamay ko. Mas lalo akong naguluhan at natakot sa mga sandaling iyon. Dahil isinama niya ako sa pagtakbo niya. Habang tumatakbo may sinabi niya sa akin.
'Thaina, sorry kung di namin nasabi saiyo kung sino kami. But now you will witness for who we are..'Deno.
Oo lagi kong tinatanong si Deno at Deammy kung bakit may mga men-in black sa paligid nila. Pero di nila sinabi sa akin ang totoo. Hindi paraw panahon para malaman ko.
Nang araw naiyon. Isa lang ang pumasok sa isip ko.
Kailangan kong lumayo sa mga katulad nila.
Hindi ako inosente sa baril, pero iyong bumabagsak at namamatay sa harap ko ay syang kinakagulat ko. Dahil si Deno ang bumabaril sa kanila. Puro ako sigaw at umiiyak. First time nangyari sa buhay ko ang masangkot sa ganito. Litong-lito ako sa sandaling iyon. Kaya agad akong bumitaw sa kamay ni Deno. Bumitaw ako dahil hindi ko matanggap ang nangyayari. Hindi ko pa sila kilala at wala akong alam sa kanila. Bakit sila nilusob ng mafia.
At hindi ko alam ang tungkol sa sinasabing mafia. Pero alam ko ang salitang 'Gangster'.
Sa pagtakbo ko,hindi na ako lumingon pa kahit tinawag niya ako. Walang nakapansing kalaban nila sa akin. Kaya nakaalis ako sa lugar na iyon. Nang alam kong malayo na ako. Napag isipan kong umuwi. Kung kailangang pakasalan ko si Jacoblaze tatanggapin ko.
Naghanap ako ng tindahan na may telepono upang makatawag sa bahay. Mahigit isang buwan akong nawala at wala akong naging balita. Nang makahanap ako ay agad akong tumawag. Mabuti na lang at dala ko ang wallet ko. Nag ring ito at sinagot.
"H-Hello sino ito.."
Narinig ko ang boses ni mommy. Mukha siyang kinakabahan at naririnig ko ang kakaibang ingay sa kinaroroonan nito.
"M-mommy.."
Napansin kong natahimik sa kabilang linya. Pero may boses akong narinig.
'Wag niyo kaming patayin maawa kayo!'
'Kailangan niyong mawala!'
'Wag! Jellan! Nasaiyo na lahat ang ariarian namin,maging anak ko binigay ko! Maawa kayo wag niyo kaming patayin!'
Natigilan ako ng sandali. Boses iyon ni dad. Isang putok ng baril ang narinig ko.
"Brenan!"
Narinig ko ang sigaw ni mommy. No!
"At ngayon ikaw naman tania,"
"M-Maawa ka jellan,please "
"Sagabal kayo sa amin.."
Isa na namang putok ng baril ang narinig ko. Halos mabitawan ko ang telepono. Bago ko maibaba ang tawag narinig ko pa ang boses ni mommy.
"T-Thaina,cough,cough' w-wag ka n-ng bumalik d-dito. L-Lumayo ka na baby. I-Im sorry. S-sorry baby. W-We love you. S-Stay we're you are. L-Lumayo ka s-sa mga s-scott. P-Patayin ka rin nila. N-Nasa b-bank account mo ang natirang p-pera n-namin. I-ikaw ng b-bahala sa lahat t-thaina. I-I love you B-Baby,"
Nawala na siya sa linya. Bumagsak lahat ng luha ko matapos marinig ang mga salita niya.
P-pinatay sila.
Pinatay sila ng mg scott.
"Ahh!"
Napaupo ako dahil sa subrang sakit. Bakit ba ito nangyayari sa buhay ko. Iniwan na nila ako.
Isang linggo matapos mangyari ang lahat ng iyon. Inilibing ng scott ang magulang ko at pinalabas na pinatay sila ng kaaway nila dad. Kahit sila naman ang gumawa. Sakim sila. Nakuha ko narin ang naiwang pera nila mommy. Gagamitin ko ito upang balikan ang mga scott.
Isa lang ang pumasok sa isip ko. I want to be strong. Naghanap ako ng pweding maging kasangga ko. Pumupunta ako sa illegal na gawain. Sa mga car race. Gambling. Gang fight. Hanggang sa makilala ko si Alena Sandellan. Isa siyang Gangster leader.
I deal with her. Ibibigay ko ang lahat ng meron ako. Mapasali lang sa grupo niya. Mabait sya. Tinulungan niya akong makaahon upang makaganti sa ginawa ng mga scott. She train me. Tinuruan niya ako ng martial arts, using guns, All weapons. Nahirapan ako. Hindi madali ang pagsasanay na ginawa namin dahil muntik na akong mamatay. Pero kinaya ko. Lahat ng sugat, suntok, at iba pang sakit ay tinanggap ko at hindi ininda. Dahil isa lang ang nasa isip ko.
Maghigante.
Hanggang ako nalang ang nagsanay. They give me a task. Lalaban akong mag isa sa Gangster arena. So i beat it.
Lumaban akong mag isa at nagtagumapay ako. Hindi lang isang beses akong napasali sa laban. Kundi marami na. Napasali narin ako sa grupo ni alena. Hanggang sa sinabi nila na hinamon sila ng laban sa Arena. Oo nga pala, isang mafia Empress si Alena. Kaya marami siyang koneksyon. Kasangga nila ang assassin. Pero ang makakalaban namin ay isang mga assassin. Gusto raw nilang subukan ang bawat gang nila.
Nang dumating ang araw na lalaban kami. Naka mask kaming lahat. Hindi kasi pweding makita ang mukha ng gang namin At ang kalaban din namin ay nakamask. Sampu kami. Ganon din sila.
Nang magsimula ang laban.Isa-isa kaming lalaban At pangatlo ako sa mga lalaban. Mahusay din ang kabilang grupo. Nang ako na ang lalaban. Niyakap muna ako ni Alena at sinabing mag ingat. Dahil ang makakalaban ko ay ang Leader ng kabilang grupo. 'Yon kasi ang nabunot ko kaya wala ng atrasan.
Habang nakikipaglaban ako dito. Dihado ako, dahil lahat ng pag atake ko nasasangga niya at hindi ko siya masabayan kaya lagi akong tinatamaan ng atake niya. May hawak syang dalawang knife at sa akin ay katana. Napakahusay niya. Pero ayoko kong matalo kaya binigay ko lahat ng lakas ko. Buong lakas akong umaatake at hinahampas ang katana sa kanya. Natamaan ko siya. Inis niya akong inatake kaya pareho kaming sumugod sa isat isa.Ngunit,
Iba ang natamaan namin, kundi ang maskara namin pareho. Nalaglag ito sa sahig kaya napatingin ako sa maskara ko, saka nabaling ang tingin ko sa kanya na dapat ay di ko na ginawa. Pareho kaming nagulat at nabitawan ang sandata namin.
"Thaina?"
Napalingon ako sa nagsalita. Boses ni Deammy. Naguluhan ako. Ibig sabihin,
Muli akong tumingin sa leader nila na walang iba kundi si Deno.
Kusa akong napaatras sa mga sandaling iyon at agad na tumalon palabas ng ring. Dinaanan ko sila Alena na nagtataka. Hindi na ako lumingon ng tawagin nila ako.
Bakit di ko naisip, na sa ganitong mundo din sila. Bakit di ko naisip iyon. Pagkalabas ko ng arena, napaupo ako sa damuhan.Hindi parin ako mapaniwala. Dahil ilang buwan din lumipas mula ng huli ko silang nakita.
"Thaina,"
Napapikit ako ng marinig ang boses niya. Sinundan niya ako. Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at niyakap ako.
"God thaina, kay tagal kitang hinanap.."Deno.
Hindi ako nagsalita. Parang kinain ko ng hiya dahil noon natakot ako sa kanila na isang assassin,pero ngayon napabilang ako sa gangster mafia. Kusa akong humiwalay sa kanya.
"B-Bakit mo ko sinundan."
"Dahil may gusto akong sabihin saiyo. Thaina,Thaina Mahal kita."
Natigilan ako at napalingon kay Deno.
T-Teka, Tama ba ang narinig ko? Mahal ako ni Deno. Hindi agad ako nakakilos ng bigla siyang lumapit at Hinalikan ako. It was a soft passionate kiss. I respond his kiss. Inaamin kong may pagtingin din ako sa kanya. Masyado lang talaga ako nagulat noon. Sabay kaming napabitaw ng may tumikhim.
"Tsk, kaya pala.."sabi ni Alena.
Nahiya ako kaya napayuko ako. Hinawakan naman ni Deno ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya.
"Kyaahh,Thaina!"
Napaatras ako ng bigla akong yakapin ni Dheammy. Napangiti ako. Niyakap din ako ng mga nakaibigan ko sa gang nila.
Kinamusta nila ako. Nalaman din nila ang nangyari sa pamilya ko.Tinapat nila ako.Gustong gumawa ng hakbang ang ina nila laban sa mga scott para sa akin. Pero hindi nalang dahil ayaw nitong mangialam sa mga scott. Nalaman ko na magkaibigan pala ang grupo nila sa grupo ni Alena. Nais akong isama nila deno sa kanila pero hindi ako sumama. May kasunduan kasi ang pagiging kabilang ko sa Gangster Mafia. Makakasama lang ako sa assassin kong ikakasal ako sa isa sa kanila. Hindi ko akalaing may ganong kasunduan sa kanila. Kaya nanatili ako sa mafia.
Paminsan-minsan ay lumalabas kami ni Deno na kami lang dalawa. Hanggang sa niligawan niya ako. Nalaman din namin lahat na naging magkasintahan si Alena Sandellan at ang bestfriend ni zDeno na si Javier Franco. Niligawan naman si Dheammy ng isang mafia, na kababata naman ni alena na si Arjead Montemayor.
Tumagal kami ni Deno ng sagutin ko siya. Hanggang lumipas ang mga taon. Nagpakasal kami ni Deno. Nagpakasal din si Alena at Dheammy sa mga kasintahan nila. Matapos kaming ikasal ni Deno.
We are happy together with our 4 Children. Which is,
Minardo Wang Carteen.
Herbert Wang Carteen
And our twins
Jhemison Wang Carteen
Elleminna Wang Carteen
Si Minna ang bunso at nag iisang babaeng anak namin. NAPAgpasyahan namin na gawing Assassin Princess si Minna, And i am the Empress of assassin. Pinasa sa akin ng ina ni Deno ang trono nito bilang empress. Dahil isang mafia empress narin si Dheammy ng sandaling iyon.
We are happy together,but they're someone who ruin our happiness.
Isang traidor.
Isang traidor ang sumira ng kaligayahan naming lahat.
Nalaman namin na si Fealline Novoh ay nagpakasal sa Mafia prince ng Yumirae. Ang mortal na kalaban ng mga assassin at sandellan mafia. Hindi namin lubos maisip na kakampi siya sa kalaban namin. Nanahimik ang yumirae pero hindi kami naging kampante.
Dumating ang kaarawan ng kambal namin ni Deno. Isang masayang celebration ang hinanda namin. Pero sa isang iglap, naglaho bigla ang lahat.
Nilusob ng yumirae mafia ang venue ng kaarawan ng kambal. Hindi kami nakapaghanda kaya marami ang nasawi at nasugatan sa labanan. Balak nilang patayin ang anak namin O sa madaling salita ang pamilya namin ni Deno. NAKaligtas ang mga anak namin dahil naitakas ito ng magulang ni Deno.
Pero ang masakit. Namatay ang lalaking mahal ko. Labis na hinagpis ang aking naramdaman. NANG sandaling yon.
Habang sinusulat ko ito. Nasasaktan parin ako. Dahil di ko matanggap na nawala biglA sa buhay ko si Deno. My life.
Namuhay kami ng tahimik matapos ang nangyari. Kahit masakit parin sa amin.
Pero akala ko hanggang doon nalang ang lahat, pero hindi. Muling sumiklab ang labanan ng assassin at Yumirae. Nakapaghanda kami. Pinadala ko sa ibang bansa ang aking mga anak. Kasama nito ang pamilya ni Dheammy nagpaiwan ako upang lumaban.
Nang sumiklab na ang labanan. Nakaharap kong muli si Fealline Novoh. Puot at galit ang pinakita niya sa akin. Nalaman ko kung bakit sya galit sa akin. Inamin niya sa harapan ko na matagal na pala niyang mahal si Deno at inagaw ko raw ito sa kanya. Nais niya akong patayin.
Naglaban kami ng sandaling iyon. Kahit matagal na siyang naging bahagi ng assassin. Nakaya ko na siyang pantayan at masabayan ng labanan. Ayaw naming magpatalo sa isa't isa. Hanggang sa,
Nagulat nalang ako ng makitang may nakarak na Syringe sa dibdib niya. Napahawak sya dito.
"That's a poison that cause of heart failure. Kayang ihinto ang isip nito maging ang puso. Maari kang mamatay na hindi naaagnas. Walang antidote sa lason na iyan. Kaya mamatay ka."Iyon ang sabi ni alena.
"No',I will do everything just to live again. Mabubuhay ako,mawawala ang lasong ito.Ipaghihiganti nila ako.."sigaw niya at tumakbo palayo sa amin.
Inalalayan ako ni Alena at pareho kaming napatingin kay Fealline na tumatakbo habang nakahawak sa dibdib nito.
Tumingin sa akin si Alena at niyakap ako.
"Alam kong hindi pa dito matatapos ang lahat Thaina, Kaya mag ingat ka."Alena.
Tumango ako sa sinabi niya.
Matapos ang labanang iyon,wala na akong narinig pa tungkol sa Novoh at Yumirae.
Pinuntahan ko kung saan naroon ang mga anak namin ni Deno AT kahit wala na siya. Nagpapakatatag parin ako alang-alang sa anak namin.
At bilang isang Assassin Empress.
Dheammy's Last words
Im Ellena Dheammy Carteen Montemayor.
Montemayor?
I married a Man that from Montemayor Clan.
Arjead Montemayor
He's my brother's buddy. That's why i know him, But not his family. I don't know but his family is from a politician.
Bago ko ikwento ang buhay naming mag asawa. Gusto ko munang ikwento ang nangyari sa buhay naming magkakaibigan.
Friendship became to hatred.
Feallin Novoh
Lhenna Mener
Alena Sandellan
Scarbethaina Wang
And me Dheammy Carteen.
We are friends. We treat us like a sister at galing kami sa kilalang pamilya. Pero, Nagbago ang lahat sa amin at nauwi sa katapusan ng isa sa amin ay naging gahaman at naging Traidor. .
She married a man that from Yumirae Mafia And that's Feallin Novoh. She want to become a powerful more than us. When she married to a Yumirae man, She become an Empress of Yumirae mafia. Na naging matindi naming kalaban. And yes she became our enemy. Nagulat kaming lahat noon dahil sa ginawa nya. Noong unang lusubin nila kami,Marami ang namatay at isa na doon ang family ko at kapatid ko na si Ellionor Deno Carteen.
Labis ang galit na naramdaman noon Thaina(scarbethaina) dahil sa pagkamatay ng asawa niya na kapatid ko. Kaya bago pa muling lumusob ang mga yumirae. Dinala niya ang mga anak nila sa amerika at iniwan doon saka bumalik upang maghigante. Kaya ng lumusob ang mga Yumirae pinaghandaan namin lahat, kaya nagawa ni Alena na lasunin si Feallin. Gamit ang ang Syringe na may lason na walang lunas at mananatiling hindi naaagnas ang sino man ang malason nito.
Matapos ang nangyari iyon,Nanahimik ang Yumirae dahil sa nangyari kay Fealline. Hindi sila lumusob muli.
Pero nagkamili kami dahil palihim pala kaming nilusob ng magdaos ng kaarawan si Thaina. Naroon ang pamilya ko at pamilya ni Arjead. Hindi kami nakapaghanda noon kaya marami ang nadamay at namatay.
Namatay sa kaarawan niya si Thaina at anak nitong lalaki. Habang ang tatlo nyang anak ay nakatakas kasama ang mga Sandellan. Nadamay din ang buntis na fiancee ng kapatid ni arjead na si Aljen . Kaya galit ang naramdaman niya sa mga Yumirae. Matapos ang trahedyang iyon. Nagpalakas kaming lahat upang makapaghandang lusubin ang mga Yumirae at novoh. Pero parang bola na naglaho ang mga ito. Nawala ang koneksyon namin sa kanila.
Naging tahimik kaming lahat at tinuon ang atensyon sa sarili naming pamilya at doon natapos ang kwento naming magkakaibigan.
Bilang membro at asawa ng isang Montemayor. Masasabi kong mahirap makisama lalo na't mula sila isang politikong pamilya. Isang Senator ang ama nila, isang Gobernador ang ina nila at isang mayor naman ang kapatid niyang si Aljen. Mula ng mamatay ang fiancee niya nagbago siya. Naging mainitin ang ulo niya, kunting pagkakamali lang ng tauhan niya pinapatay niya. Bumuo siya nang Organisasyon na tulad sa amin. At dahil napunta sa akin ang pagiging Empress ng Assassin. Naging kaalyasa ko si Aljen Montemayor.
Sa pagsasama ng Organisasyon namin. Napansin ko kaagad ang pagbabago . Naging mas marahas ang pamumuno ng mga montemayor. Lalo na't naging Girlfriend niya si Patricia Scott. Familiar saakin ang apelyedo niya, pero hindi ko alam kong saan ko narinig. Kaya palihim kong binubukod ang mga taong pinagkakatiwalaan ko sa Organisasyon at alam iyon ni Arjead.
Lumipas ang mga taon, naging maayos ang pamumuhay namin. Kasama ang anak naming si Arjead Montemayor Jr. Pinangalan ko siya sa ama niya dahil nag iisa lang siyang anak namin. Hindi na kasi ako pweding magbuntis kaya isa lang ang anak namin. Lumaki ng mabait si Arjead. Wala siyang pakialam kung anong klase kaming pamilya dahil gusto niyang mamuhay ng normal. Nakapagtapos siya ng pag aaral at naging Abogado. Naging maayos ang trabaho niya at hindi siya nangialam sa Organisasyon dahil ayaw niya.
Hanggang Dumating si Sharlyn De Silva sa buhay ng anak namin. Isa ring Abogado tulad nya. Masayahing babae si Sharlyn At gustong-gusto ko siya para kay Arjead. Hanggang sa nagpakasal silang dalawa. Pero habang nagsasama sila ng anak ko may napansin ako sa kanya. Lagi siyang umaalis at halos isang linggo bumalik at ang sinasabi niya ay dahil may kleyenti siya kaya hindi agad siya nakakabalik. Minsan kapag nagtitipon ang pamilyang Montemayor. May napapansin din ako, lagi siyang tahimik at nagmamasid lang. Ibang-iba siya pag nagtitipon ang pamilya. Maging si Aljen napapansin ko ang kakaibang tingin niya kay Sharlyn.
Nang mabuntis si sharlyn. Nais niyang sa ibang bansa manganak, kaya pumayag kami maging ang anak ko. Bago sila naka alis ng bansa. Narinig ko pa noon na nag usap si Sharlyn at Aljen. Nauwi iyon sa sigawan nilang dalawa at nagulat ako sa nalaman ko.
She's a novoh At isa siyang spiya ng mga ito. Inawat ko sila at tela ba wala akong narinig. Nang gabing iyon,kinausap ko si Sharlyn. Habang nagsasalita siya ay umiiyak siya. Sinabi niya sa akin lahat At gusto na niyang umalis sa mga novoh, upang makasama ang anak ko kaya gusto niyang sa ibang bansa manganak . Balak siyang patayin nga mga ito dahil sa kasalanang nagpabuntis siya sa isang Montemayor. Naawa ako sa kanya kaya pumunta kami ng ibang bansa. Nang maisilang niya ang anak niya na kambal.
She name it, Sheanna and Shearra. Magkamukha ang kambal kaya hindi mo agad makikilala kung sino sa kanila si sherra at sheanna. Kung hindi mo titingnan ng mabuti ang kaibahan nila.
Nang bumalik kami sa pilipinas. Napapansin ko ang galit na mga mata ni Aljen sa kambal. Kaya hindi ko hinahayaang maiwan ang mga ito sa kanya dahil baka kung anong gawin nya sa mga ito. Kasabay naman ng pagbalik namin sa pilipinas ang pagkawala naman si Sharlyn. Hindi namin siya mahanap. Para bang nawala siya ng parang bola. Naalala ko ang sinabi niya, siguradong hawak siya ng mga novoh. Nalaman din ni Arjead ang lihim ni Sharlyn, dahil sinabi ni aljen sa kanya kung anong klaseng babae ang pinakasalan niya. Hindi halos matanggap ni arjead ang mga sinabi ng tito nya. Kaya halos magwala ang anak ko. Labis kaming nag alala ni Arjead dahil sa nangyari sa anak namin.
Hanggang dumating ang ikalawang kaarawan ng kambal. Dumating sa kaarawan ng kambal ang ina nilang si Sharlyn .At iba na siya sa Sharlyn na nakilala namin. Maraming nasaktan at namatay sa ginawa niya. Gusto niyang makuha ang kambal. Pero ayaw ibigay ng anak ko. Kaya pinatakas kami ng anak ko kasama ang kambal. Pero sa pagtakas ko, Nasalubong ko noon si Aljen, Gusto niyang makuha sa akin ang kambal para patayin. Hindi raw pweding mabuhay ang kambal dahil may dugo silang novoh. Isang novoh na pumatay sa ex fiancee niya noon. Kaya kailangang mawala ang kambal. Hindi ko siya hinayaang gawin iyon sa mga apo ko, kaya nakipaglaban ako sa kanya at tinakasan ko siya. Nang makatakas ako sa kanya, Dumaan ako sa garden at doon nasalubong ko si Sharlyn na duguan sa braso. Pilit niyang kinukuha ang kambal pero hindi ko binigay. Hanggang sa binaril niya ako noon ng dalawang beses. Natamaan ako sa dibdib pero ang ikalawang putok ay napunta sa karga kong bata. Natamaan sa dibdib ang isa sa kambal kaya natumba ako kasama ang kambal. Nakita kong tumakbo papunta sa akin si Sharlyn at umiiyak habang kinarga ang isa sa kambal na natamaan.Hinalikan niya iyon sa noo at saka tinabi sa akin. Kinuha niya si sherra at tumakbo paalis. Iniwan niya ang isa sa kambal na si sheanna. Hinawakan ko sa mukha ang bata pero hindi na ito gumagalaw. Hanggang sa may dumating na babae. Nakilala ko sya. Si Elliminna, Gulat siya ng makita kaming duguan. Mayamaya pareho kaming nagulat ng biglang umiyak si Sheanna kaya napangiti ako. Binigay ko siya kay Minna upang itakas. Nais niya sana akong iligtas, pero mas pinili kong maiwan para sa kaligtasan ni Sheanna. Kaya umalis na si Minna kasama ang bata.
Dahan-Dahan akong napatayo noon, upang balikan ang anak ko. Pero nagulat ako sa nakita ko. Dahil nakahandusay na sa sahig ang mag ama ko. Kaya halos magkandarapa ako sa paglapit sa kanila. Hindi ko halos matanggap ang nakita ko. Sa gitna ng pagluluksa ko. Dumating si Aljen at ang asawa niya.
Doon nalaman ko ang nangyari. Sila ang pumatay sa mag ama ko. Kailangan daw nilang mamatay maging ako. Kaya binaril nila ako at napahandusay katabi ng mag ama ko.
Hindi ko aakalain na sa mga sandaling ito,nabuhay pa ako. Iniisip ko bakit pa ba ako nabuhay kung nawala na sa akin ang lahat. Lalo na ang mag ama ko. Pero siguro may dahilan kung bakit binigyan ako ng oras para mabuhay. Sa gitna ng kaguluhan dumating sila Alena. Sila ang dahilan kung bakit nabuhay pa ako,pero oras lang ang hinihintay bago ako mamatay. Kaya habang may oras pa ako nagawa ko itong isulat para sa kung sino man ang makabasa nito. May sagot silang makuha sa mga tanong nila. Na kung maulit muli ito, sa susunod na henerasyon may alam na sila kung saan nagsimula.
Bago ako mawala,pinagkatiwala ko kay Herbert Carteen ang paghahanap sa kambal. Para pag dumating ang araw, Isa sa kanila ang nais kong maging tagasunod ko. Na isa sa kanila ang magiging Empress ng mga Assassin.
Sheanna at Sherra kung nasaan man kayo ngayon. Maging malakas kayo, wag niyong hayaan may umapi sa inyo. Be strong my Grand daughters.
Ellena Dheammy Carteen Montemayor.