Hindi alam ni Marya pero parang may tumambing mainit na bagay sa kanyang mga labi, kaya't dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at napasinghap siya nang bumungad sa kanya ang mukha ni Uncle Leon. “Good afternoon, sleeping beauty,” giit ni sa kanya habang nakangiti. Aba mukhang good mood ang ferson. Anong mayroon. Napahawak siya sa kanyang labi, tapos ay tumingin siya sa lalaki. Hinalikan ba siya nito? O baka naman imahinasyon niya lang iyon. “Nasaan si Anton?” biglang bulalas niya nang mapansin na sila na lang dalawa ang nasa loob ng kubo. “Why? Bakit mo na siya hinahanap eh nandito naman ako,” sagot nito sabay tayo at inalabas sa may bag ang mga baon nilang pagkain. “Hindi ba't sasabay siya sa atin kumain?” sagot niya at tinulungan ito. Sumulyap sa kanya ang lalaki. “

