Kabanata 2

1250 Words
Tumaas ang kilay ni Marya at bahagyang bumuka ang kanyang mga labi. Aba’y namimihasa naman ata ang lalaking ito. “Sige, Uncle. Kung iyan ang iyong nais,” sagot ni Dominic. Halos lumabas na ang eyeballs niya sa panlalaki ng mga mata. Gumawa ng desisyon ang nobyo nang hindi man lang siya kinonsulta? “Dominic—” “It’s okay, love. Pansamantala lang naman. Pangako, kapag nakahanap ako ng maayos na trabaho at tirahan para sa ’yo, kaagad kitang kukunin rito,” pahayag ni Dominic sabay haplos sa kanyang pisngi. At gaya ng laging nangyayari, si Marya na marupok ay napatango na lamang. “So, it’s settled then. You can start on Monday after Dominic’s departure,” malamig na saad ng Uncle ni Dominic bago ito tumalikod pero mabilis ding tumigil at lumingon. “And Dominic, let Marya sleep in the guestroom. You two are still young for doing something you might not take responsibility for,” mariing bilin ng lalaki. “Pero, Uncle—” “Dominic, it’s for your own good. Isa pa, nasa pamamahay ko kayo kaya nararapat lamang na sundin ninyo ako,” seryosong pahayag nito, ang tingin ay diretso sa kanya. Napalunok si Marya. Aba’y hindi niya akalaing makaluma pala ang matandang ito. “Sundin na lang natin ang nakakatanda sa atin. Mas may alam sila,” giit niya habang nakatingin sa lalaki, tapos tumingala kay Dominic at ngumiti. “Alright then,” pagsang-ayon ni Dominic sabay halik sa kanyang kamay. A smile curved on her lips; hindi niya napigilang pisilin ang pisngi nito. “Ang gwapo mo talaga!” aniya, at akmang hahalikan na sana ito nang biglang may sumabat— “I’m still here,” paalala ng Uncle ni Dominic. “Ay! Nandiyan ka pa pala, Uncle, hehe,” tawa niyang mahinhin. “Oo. Mabuti pa’y dalhin mo na sa kwarto ni Marya ang kanyang mga bagahe, Dominic. At ikaw naman, Marya, sumunod ka sa akin. Ipapa-alam ko sa ’yo ang mga dapat mong gawin dito sa bahay bilang katulong ko,” pahayag ng Tiyuhin ni Dominic. “Uncle, puwedeng mamaya na ’yan? Hayaan mo na dalhin ko si Marya sa kanyang silid at makapag-usap kami nang sarilihan?” pakiusap ni Dominic, na sinang-ayunan niya sa pamamagitan ng pagtango. “Aalis na ako mamaya at bukas pa ako uuwi. Mas maigi ngayon na lamang kami mag-usap. Isa pa’y masosolo n’yo rin naman ang isa’t isa mamaya, kaya hayaan mong kausapin ko muna si Marya,” seryosong tugon ng tiyuhin. “Pero—” “Sige na, love. Umakyat ka na. Mabilis lang ito, hahanapin kita mamaya pagkatapos namin mag-usap,” pag-aalo niya sa nobyo. Bumuntong-hininga si Dominic, tumango, sabay kuha ng kanyang bagahe. Sinundan niya ito ng tingin hanggang mawala sa kanyang paningin. “It seems he listens to every word you say,” komento ng lalaki. Hindi niya alam kung simpleng obserbasyon ba iyon o may bahid ng pang-iinsulto. “It’s just natural since he respects me, and I do the same,” sagot niya. “Right. Doon tayo sa veranda,” giit ng lalaki, saka nagpatiunang lumakad. Tahimik siyang sumunod hanggang makarating sila sa likod ng mansion kung saan tanaw niya ang malapad na hardin sa isang gilid at swimming pool naman sa kabila. “Ilang taon ka na, Marya?” panimula ng lalaki. Magkaharap silang dalawa, may maliit na espasyo lang sa pagitan. Mataas ito kaya’t kailangan pa niyang tumingala bago sumagot. “Importante pa ba ’yon?” kunot-noong tanong niya. “Yes, it is.” Pinagkrus niya ang mga braso. “Mag-b-bente na ako ngayong taon—” “So, you’re a minor?” taas-kilay na usal ng lalaki. Napakurap-kurap siya. “Ano naman ngayon?” “May gatas pa pala sa labi,” mahinang komento nito, pero sapat para marinig niya. Napahawak siya sa labi, tapos kumunot ang noo. “Wala naman ’ a,” mahinang sabi niya, muling tumingala sa lalaki. “It’s not literal,” buntong-hininga nito. “By the way, tungkol sa magiging trabaho mo: gusto kong linisin mo araw-araw ang silid at opisina ko. Ipagtitimpla mo ako ng kape, at kung kinakailangan, ikaw ang magpi-print ng mga papeles. Marunong ka namang magbasa, hindi ba? Matanda na ang mayordoma dito, kaya kung ayaw mong magutom, ikaw na rin ang magluto ng makakain mo.” Tumango-tango siya. Walang problema sanay siya sa gawaing bahay; matagal na siyang namuhay mag-isa. “At swe-swelduhan din kita buwan-buwan,” dagdag pa ng lalaki. Biglang nabuhay ang dugo niya. “Talaga?” tanong niyang nananabik. “Of course. Iyon naman talaga dapat, hindi ba?” sagot nito. “Akala ko kasi aalilain n’yo lang ako at hindi swe-swelduhan dahil nakikitira ako rito,” mahinang aniya, yumuko. “Of course not. But you must remember this, I don’t tolerate any mistakes. At ayaw ko sa lahat ang tamad at maarte,” mariing saad ng lalaki. “Sige, Uncle, tatandaan ko po ’yan. Huwag kayong mag-alala, sanay na ako sa gawaing bahay,” aniya sabay ngiti. Napatitig ang lalaki sa kanya matagal, matalim hanggang sa bumaba ang mga mata nito sa kanyang mga labi. “Don’t tell me… he’s attracted to me?” bulong ng maharot niyang utak. Sabagay, kahit sino naman maa-attract sa beauty niya. Nang mapansin niyang tila siya ang sinusukat ng tingin ng lalaki, siya naman ngayon ang palihim na sumipat mula ulo hanggang paa. “Impressive. Gwapo at macho si Uncle… at mukhang may asim pa,” hirit ng maharot niyang utak, halos mapangiti siya sa sariling iniisip. Kung si Dominic ay may mukha ng good-boy campus crush malambing, maaliwalas, at nakakagaan ng loob itong tiyuhin naman ay kabaligtaran. Matigas ang panga, malamig ang mga mata, at ang bawat ngiti ay may halong panganib. Mukha siyang mafia boss na nakakaadik tignan yung tipong alam mong delikado pero gugustuhin mo pa ring lapitan. Kung wala lang siyang nobyo, baka nilandi na niya ito, naisip niya, sabay napangiwi. At doon, bigla niyang naalala ang usapan nila sa may kalendarya. “He said something about XXL… hindi kaya ’yun ang sukat ng kanyang embutido?” dagdag pa ng utak niyang marumi ang imahinasyon. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili bumaba ang tingin niya, halos hindi namamalayan kung saan napunta ang mga mata niya… “Marya, what are you looking at?” “Sinusukat ko lang kung XXL ba o hindi ang iyong—” Napakurap-kurap siya at mabilis na tinakpan ang bibig bago pa man niya tuluyang masabi ang bagay na hindi dapat. “My what?” tanong ng lalaki, bahagyang yumuko hanggang magpantay ang kanilang mga mukha. Napa-atras siya, halos matapilok sa biglaang lapit nito. “W-wala iyon, Uncle—” “Don’t call me Uncle,” putol ng lalaki, seryoso at mababa ang boses parang banta at tukso sa iisang hinga. Bago pa siya makasagot, naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang bewang. Mainit. Matatag. Hinigit siya palapit hanggang halos magdikit ang kanilang dibdib. “Eh ano tatawag ko sa’yo… Sir?” balik tanong niya, taas-kilay at pilit na inaalis ang kamay nito pero imbes na bitawan siya, lalo pa itong lumapit. Ngayon ay halos maramdaman na niya ang bawat paghinga nito, mabagal, mabigat, at nakakaalangan sa lapit. Nang ilang hibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi, akala niya ay hahalikan na siya. Ngunit biglang iniwas ng lalaki ang ulo, at sa halip ay idinampi ang labi malapit sa kanyang tainga. “Leon,” bulong nito mababa, magaspang, at nakakapanginig. “Call me by my name.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD