DADS 48

1511 Words

Bigla akong nagising ng may malakas na kalabog akong narinig mula sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto nila mommy at daddy. Nakarinig din ako ng sigawan, ng galit na galit na boses mula sa kanila. Pupungas-pungas akong bumangon at may narinig na naman akong parang nabasag. Bumaba ako sa kama at lumabas ng aking kwarto tapos ay lumapit sa nakaawang nilang pinto. Rinig na rinig ko ang galit at umiiyak na boses ni mommy. Nang tumingin ako sa loob, mahigpit itong nakahawak sa shirt ni daddy. “Ano pa bang dapat kong gawin Glay? Nagiging mabuti na nga akong asawa sayo! Hindi pa ba sapat ha?!” umiiyak na sabi ni mommy. “Mabuting asawa? Halos araw-araw mo kong kinukulit sa sinasabi mong babae ko! At ilang beses ko ding sasabihin na wala akong babae! I am so sick and tired of your paranoia!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD