KEAN NAGNGINGITNGIT ang ipin ko nang marinig ko ang kwento nila Kuya Bry sa amin nang makauwi sila ng Pilipinas. Nang malaman kasi ng mga ito na unti-unti ng umaayon sa plano namin ang lahat ay nagdesisyon na silang umuwi. Pero kung ako ang tatanungin ay sana nagstay pa sila doon ng matagal! Baka kung anong gawin ng hayop na iyon sa mag-ina ko! Okay naman, nang mag-umpisa silang magkwento. Naging panatag ang loob ko dahil okay naman sila kahit alam kong malungkot sila doon pero nang sabihin nito na pinagdadamutan sila doon ng pagkain ay agad lumabas ang ugat ko sa noo ko. Para gusto ko pagsasampalin ng libo-libong pagkain ang mga tao sa bahay na iyon! Mga hayop sila! Kinuha nila ang mag-ina ko dito sa puder ko tapos pagdadamutan at hindi tatratuhin ng maayos! Hindi lang iyon! Humand

