DHIANA ISANG malakas na kalabog ang nagpagulat sa aming lahat nang nandoon sa bahay. Nasa likod bahay kami ni Nini kasama ang isang maid na gumawa noong pagkain namin nitong nakaraan at para siyang nagbabantay sa amin dahil tuwing lalabas kami ni Nini para kumain o kumuha ng pagkain ay lagi siyang nakahanda at sumusunod sa amin. Ngayon nga ay tinanong kami nito kung saan kami pupunta at nang sabihin kong dito sa likod bahay ay sumama ito para daw kung may ipag-uutos kami ay agad niyang masusunod. Tapos ngayong may kalabog kaming narinig ay agad itong humarang sa harap namin ni Nini. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong may hinawakan itong isang bagay sa likod niya nang makita si Beiley na lumabas ng bahay. Masama ang mukha nito na parang pinagsakluban ng langit at lupa kabalikt

