"Papasukin mo siya," tugon nito saka tumango ang sekretarya niya sa kanya at lumabas na 'to pagkatapos. Sunod naman na pumasok ay ang taong kanina pa niya hinihintay. "Dr. Jimenez, dala mo na ba ang resulta?" masayang bungad niya rito. Ibinalita sa kanya ng doctor kanina na pupunta ito sa kanya ngayon at may dala siyang magandang balita tungkol sa pinapagawa ni Arthur sa kanya. "Of course, dala ko na," 'Di mawala ang ngiti sa mga labi ng doctor habang sinasabi 'yon. Lumapit ito kay Arthur at nakipagkamay bago siya umupo sa isang upuan. Agad naman na binuksan ni Arthur ang folder na inabot sa kanya ni Dr. Jimenez at... "Damn!" mahinang mura ni Arthur nang makita ang resulta ng dna test na pinagawa niya noong nakaraang buwan pa. Mahigpit siyang napahawak sa papel at 'di maiwasan maging em

