"I swear, Scarlett, I will f*****g kill you! Let her go, damn you!" Pinilit pa rin na makawala ni Arthur sa mga humarang sa kanya, at buong lakas nga niyang sinuntok ang isa at ang mga nagtangka pang sumugod sa kanya. Ngunit nang dumami sila ay hindi na siya nakalaban pa dahil pinukpok sa kanyang likuran ang tubong hawak ng isa sa mga tauhan ni Scarlett kung kaya't nanghina siya at napaluhod sa sahig. "Sige, Arthur! Subukan mong manlaban, hindi lang 'yon ang gagawin ko kay Amanda!" pananakot ni Scarlett na siyang ikinatakot ni Arthur kaya naman hindi na siya nanlaban pa. "Hawakan niyo siyang mabuti! Ilapit niyo siya rito at iharap sa amin para makita niya kung ano ang mangyayari sa pinakamamahal niya." At saka niya muling hinigpitan 'yong hawak niya sa buhok ni Amanda. Gusto nang umiyak

