"Na-miss kita, mama!" masayang sambit nito. "Pero aalis ka po ba ulit?" naging malungkot bigla ang boses ng anak niya. Unang beses pa lang kasi nitong naranasan na wala ang ina niya, ngayon pa lang at medyo matagal pa. Hindi kasi talaga umaalis si Amanda, ayaw niyang nalalayo kay Eula lalo pa't sakitin din ito. "Miss na miss ko rin ang baby ko. Pero huwag kang mag-alala, hindi na aalis si mama, hmm?" pagsisigurado nito sa anak na siyang ikinaliwanag ng kanyang mukha. Niyakap siya nito bigla nang pagkahigpit-higpit pagkatapos. Nasa gano'n silang ayos nang dumating naman ang ama niya. "Anak, nasa labas na ang sasakyan natin. Ilalabas ko na ang mga gamit natin, sumunod na lang kayo pagkatapos," "Sige po, tay. Bibihisan at pakakainin ko lang po si Eula saglit nang makaalis na po tayo," tugo

