"Mahal, please, huwag mo naman sabayan ang sitwasyon na 'to. Nahihirapan na nga ako, kaya please, misis ko, maging kalmado ka—" "Paano ako magiging kalmado kung 'yan ang bubungad sa araw ko?! Ni hindi mo man lang nga ako tinanong kung ok lang ba sa akin na tumira sila rito, eh! Napakasakit non sa parte ko, alam mo ba 'yon?!" sabay hampas nito sa dibdib ni Arthur nang tangkain siya nitong lapitan. "Aalis na muna kami. Huwag mo kaming pipigilan dahil lalo lamang akong magagalit sa 'yo!" sabay lagay muli nito ng mga natira pa nilang damit na nasa cabinet. "Hindi! Walang aalis! Dito lamang kayo!" mariing sabi ni Arthur sa kanya sabay kuha at balik nito sa mga damit sa loob ng cabinet. "Ano ba?! Hayaan mo muna ako! Hayaan mo muna kami! Kahit ngayon lang, please!" sabay palis ni Amanda sa ka

