Chapter 51 Crystal Makatapos namin kumain ay umakyat kami sa second floor. may anim na silid sa second floor. Hindi kami umakyat ng hagdan kun'di sa elevator kami sumakay. Hindi ko akalain na may elevator ang mansion nila Reynold. Pagdating namin sa second floor ay tinapik ako ni Lola Isabel. ''Iha, feel at home. Pupunta na ako sa silid ko at akoy napapagod na. Nais ko munang magpahinga,'' wika ni Donya Bell sa akin at tumingin ito kay Reynold. ''Iho, ikaw na ang bahala kay Crazy.'' Tango lang din ang sagot ni Reynold sa matanda. Maya pa ay may lumabas na isang matandang babae sa isang silid. Siguro ay nasa edad sing kuwenta esingko na ito. ''Nandito na ang Baby ko,'' tuwang nilapitan ng matanda si Reynold at yumakap. ''Yaya, magkaka-baby na ako, kaya huwag mo akong tawaging Baby,''

