Chapter 65 Crystal Hindi ko alam na dalawang buwan na pala ako na hindi nagising dahil sa panganganak ko. No'ng nagising ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Ngunit nang magising ako kanina ay si Franco ang nakita ko. Ngunit nang tawagin ako ni Reynold na wifey ay bumalik sa akin lahat. Naalala ko na nanganak pala ako. At ngayon ay nais ko na makita ang mga anak namin ni Reynold. Habang nakahiga ako sa kama ay dumating na si Reynold kasama ang isang nurse na may dala ng welchaire. ''Wifey, buhatin na kita para makalipat ka sa welchaire. Sigurado ka ba na okay ka lang?'' pag-alalang tanong niya sa akin. ''Okay, lang ako, Mahal ko. Gusto ko na makita ang mga anak natin,'' pahayag ko sa kaniya. Walang ano man ay binuhat niya na ako at nilagay sa welcha

