Chapter 60 Crystal Sa subrang sama ng loob ko ay naiyak na ako sa harap ni Reynold. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Oo, nakita mo kami kanina sa hardin na nakayapos ang mga braso niya sa braso ko, pero walang malisya 'yon. Saka hindi ko naman ginusto na humawak siya sa braso ko. " ani Reynold at nakakunot ang noo nito. "Sinungaling ka Reynold. Oo, marami akong kasalanan sa 'yo. Sana huwag mo naman gawin sa akin 'to. Kung hindi mo na ako kayang patawarin, huwag mo naman saktan ang damdamin ko. Pagod na ako Reynold. Gusto ko naman sumaya. Kaya huwag mo naman ako saktan ng ganito." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya humagulhol na ako sa pag-iyak. Hinawakan niya naman ang dalawa kong braso at niyakap niya ako. kaya lalo akong umiyak sa dibdib niya. "Don't cry, please? Tahan na, wala k

