Episode 18 Crytal Kumalas ako sa pagkayakap kay Reynold. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya. "Bakit ba ang tigas na ng puso mo para sa akin, Reynold? Gaano ba kalalim ang sugat na ginawa ko sa 'yo para manlamig ka sa akin? Hayaan mong gamutin ko iyon." Tumulo ang mga luha ko matapos sabihin iyon. Masakit na mga tingin ang iginawad niya naman sa akin. "Nababaliw ka na, Crystal. Hindi mo na maibabalik ang dating Reynold na minahal ka ng tapat at totoo. Pinatay mo na siya. Kaya hindi ako ang dating Reynold na madaling maniwala sa mga sasabihin mo. Para sa akin wala ka ng halaga. Kaya kahit habang buhay mo akong ikukulong rito. Hindi mo makukuha ang respito ko at pagmamahal ko. Kinamumuhian kita, Crystal!" Tumayo ako at malalim na nagbuntong hininga. Parang pinipiga ang puso ko sa mga

