Cjapter 24 Reynold Naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga negosyo namin matapos na makatakas ako sa bahay na iyon na pinagdalhan ni Crystal sa akin ay hindi ko na napansin na mabilis lumipas ang araw. Kasalukuyang nakaupo ako sa aking swivel chair sa office. Pero, kahit anong gawin ko ay walang pumapasok sa isip ko kunndi si Crystal. Isang buwan na ang nakalipas na hindi ko nakikita ang mukha niya. Naging abala ako sa lahat sa paghingi ng tawad sa mga pamilya Hariss sa hindi ko pagsipot noong araw ng kasal namin ni Honey. At pati ang pagpainterbyo ko sa telebisyon. Sinabi ko na nakidnap ako at ikinulong sa isang bahay at lugar na hindi pamilyar sa akin. Pero, hindi ko naman sinabi ang buong detalye. Gusto ko manatiling lihim kung sino ang kidnaper ko. Lalo na sa pamilya ko dahil tiy

