Chapter 63 Reynold ''Gumising ka, Crystal! Huwag mo naman akong iwan. Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Huwag mo naman baliwalain ang pangako mo sa akin. Ikaw na lang ang nag-iisang taong mahalaga na natira sa buhay ko. Gumising ka, My Love. Promise, ililibri na kita palagi ng kwik-kwik. Ito may dala ako sa'yo. Binili ko ito sa kanto kanina. Kaya, gumising ka na please?'' iyak na sumamo ni Mr. Frany Buenavista ang boyfriend ng pinsan ko na lagi na lang umiiyak dahil sa lalaking ito. Nang kumalas siya sa pagkayakap kay Crystal ay nilakasan ko ang pagsara ng pinto at masakit siyang tinitigan. ''Anong ginagawa mo rito? Huwag mo yakapin ang asawa ko!'' sabay lapit ko sa kaniya. ''Asawa mo? Anong klase kang asawa? Hindi magkakaganito si Crystal kong mabuti kang asawa! Sinaktan mo ba siya

