Chapter 56 Reynold Sa subrang inis ko kay Crystal ay hindi ko na nagawang pumasok opisina dahil umaga pa itong nawawala. Sabi ng guard ay lumabas daw si Crystal. Tapos kinagabihan ay nalaman ko na lang na nasa condo siya ni Mr. Buenavista dahil tumawag sa akin si Scarlet na umiiyak at nagsusumbong na naroon ang asawa ko sa condo ng boyfriend at nakita niya ang dalawa na magkayakap. Matapos naming magtalo ni Crystal ngayon ay nagtungo ako sa library ko. Mula kagabi ay dito na ako natulog dahil nasa silid ko si Vanessa dahil may pictorial ito roon sa mga beauty product namin. Kaya, pinagamit na lang muna ang silid ko sa kaniya. Hindi pa tapos ang silid na pinapagawa ko para sa anak namin ni Crystal. Pinalgyan ko ng pinto dito sa loob ng silid ko tagos sa kabilang silid na gagawing silit n

