Chapter 58 Reynold Kinabukasan Nagising ako sa tabi ng asawa ko habang nakayakap sa malaki niyang tiyan. Pagkatapos kong pakainin siya ng cake na ginawa ko ay minasahe ko pa ang paa niya hanggang sa nakatulog na siya. Iisa pa sana ako ngunit ayaw ko siya mapagod. Ala singko pa lang ng umaga at nakatunghay ako sa maamo niyang mukha. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo. "Sana hindi ka na mawala sa buhay ko," bulong ko at bumangon. Nagising naman siya sa paggalaw ko. "Reynold, dito ka natulog?" paos na boses niyang tanong sa akin. "Nakatulog ako sa tabi mo habang minamasahe ang paa mo," sagot ko na nakaupo na sa kama. "Baka hinahanap ka na ni Vanessa," wika niya at bumangon na rin. "Bakit niya naman ako hahanapin? Matulog ka muna at maaga pa. Mamaya pa naman ang bir

