Chapter 34 Reynold Tumango-tango naman si Crystal sa tanong ni Lola sa kaniya. Sapat na iyon na sagot para malaman ko na ako nga ang ama ng pinagbubuntis niya. Bumaling ang tingin sa akin ni Lola at pinanlakihan ako nito ng kaniyang dalawang mata. ''Tarantado ka! Kung saan-saan mo ikinakalat ang sperm cells mo at pagkatapos ay iwanan mo! Walang hiya ka talagang bata ka!'' sabay hampas pa ni Lola sa balikat ko. Gigil na gigil ito sa akin. Hindi naman makapaniwala si Crystal ba apo ako ni Lola Isabel. "S..siya ang apo ninyo?'' garalgal niyang tanong kay Lola. ''Oo, Crazy. Tahan na huwag ka na umiyak at makakasama iyan kay Baby Sperm. Hali ka roon natin pag-usapan ito sa bahay mo at maraming nakatingin sa atin,'' ani Lola at inalalyan si Crystal. Naglakad kami patungo sa bahay ni Bruhil

