Chapter 31 Reynold Hindi ko akalain na muli ko makita si Crystal sa kasal nila Lance at Clara. Lalo na at nakita ko ang malaki nitong tiyan. Napako pa ang tingin ko sa umbok niyang tiyan. Ang ganda niya tingnan. Napapaisip pa ako kung ako ba ang ama ng dinadala niya? Hindi kaya nagbunga ang nangyari noon sa amin sa bahay na iyon? Hindi kaya nakabuo kami ng sanggol sa sinapupunan niya? Ang ganda niya tingnan sa suot niya na kahit malaki ang tiyan niya ay sexy pa rin siya.. Magpapaalam na sana siya na uuwi pero pinigilan ko siya. Dahil naglilihi ng talaba at tahong ang asawa ni Lance at Raydin pinasamahan ko sila sa tauhan ko para pumunta sa Isla na pagmamay-ari ko. Saka Kinaladkad ko na si Crystal papuntang kalsada kung saan ay naroon ang sasakyan ko. Noong nakaraang araw pa ako dumat

