Chapter 25 Jealous? Francine's POV "Total kakasweldo ko lang, gala tayo Frans!" untag ni Camille, habang naglalakad kami. "Wag nalang Camille, magpapahinga nalang ako sa bahay," sabi ko naman. Ngumuso sya at tsaka nya ko inirapan. "Ito naman! Ang KJ mo teh, treat ko na nga, umaayaw kapa," aniya sabay bigkis nya ng kamay nya sa kamay ko, lumingon ako sakanya. "Eh san ba tayo pupunta kung sasama man ako?" tanong ko. Ngumisi lang sya at kumurap-kurap. "Sa bar. . kaya tara na!" masigla nyang sabi at tsaka nya ako hinila. "Magsasaya lang tayo Francine! Nakakapagod din kasi ang araw na 'to eh. Tsaka gusto kong makakita ng mga pogi," sabi nya ulit, tinignan ko lang sya ng masama. Basta talaga lalaki. Tsk! "Oh sige! Basta sandali lang tayo huh?" sabi ko, ngumiti lang sya at tumango. Haba

