Chapter 18 Cry Zaki's POV Hindi ako makapagsalita, ni hindi nga ako makagalaw nung makompirma kong si Sunny nga itong nakatayo sa harap ng tinutuluyan kong bahay. Umihip ang malakas na hangin, at sa di inaasahan, dahan-dahan syang lumingon sa 'kin. Nanuyo ang lalamunan ko, at bakas din sakanya ang pagkagulat nung magtagpo ang aming mga mata, ngunit 'di ko mawari ang ekspresyon nya, hindi ko alam kung malungkot ba sya o masaya. Nagkatitigan kami ng matagal, kahit na iilang metro parin ang layo namin sa isa't-isa, gusto ko syang lapitan pero hindi naman ako makakilos, para bang dumikit nalang bigla ang paa ko sa lupang inaapakan ko. She looks dumbfounded as well, parang pareho kaming naghihintayan kung sino ang unang lalapit, ang hindi ko maintindihan ay bakit sya nandito? Wala naba si

