Chapter 14 Close To You Francine's POV Pagkatapos kong magpunta sa bahay ni Zaki umuwi na 'ko, gabing-gabi na din ngayon, ready na 'kong masigawan kay mama, napapikit ako at napakagat sa 'king labi, Ano kayang idadahilan ko? Bahala na nga! Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok na 'ko sa loob, dahan-dahan ko ding binuksan yung pintuan, nakahinga ako ng maluwag dahil buti nalang 'di nila ni lock yung pinto, pag nagkataon na nilock na 'to, ewan ko lang kung saan ako matutulog. Nadatnan kong tahimik na, mukhang tulog na silang lahat, hindi ko na 'din binuksan yung ilaw, nag tip-toe akong maglakad at dahan dahan akong pumasok sa kwarto namin ni Kirby. Nakita kong tulog na din ang kapatid ko. Bago ako matulog ginawa ko muna yung mga nakagawian kong gawin before bedtime, naghilamos

