Chapter 09 Nanlumo Francine's POV Hindi magkanda ugaga ngayon si tita Stella sa pamimili ng mga damit ni Steve, bili there, bili here, bili everywhere! At eto ako, halos matumba na 'ko sa mga dinadala kong damit na pinamili nya. Nagpasama kasi sya sa 'kin at eto nga ako ang tagabitbit, gabundok na nga 'tong mga hinahawakan ko. "Sa tingin mo Francine, magugustuhan to ni Steve?" sabi ni tita tapos pinatingin nya sa 'kin yung damit, maganda sya, ngunit nakakaloka yung presyo. Napalunok nga ako nang makita ko yung price tag. "Maganda tita, kaso parang masyado naman yatang mahal," sabi ko, pero ganunpaman binili nya parin ito. "Pabayaan muna.” Kibit-balikat nyang sabi at ayun pinahawak na naman nya sa 'kin yung isang mamahaling polo shirt. Napakagastos nitong si tita, palibhasa mayaman.

