Chapter 37 I'm All About You Francine's POV "Zaki, hindi ka ba naglilinis dito sa bahay mo bakit napakakalat?" Inis kong bulong habang pinag aayos ko ang mga gamit nya dito sa kusina, habang sya naman ay abalang nagluluto ng pang breakfast na pagkain. "Madalang lang, nakakatamad kasi," nahihiya nyang untag habang nagkakamot. Sinimangutan ko sya. "Grabe, napakatamad mo naman," sabi ko. Ngumuso naman sa. "Naglilinis naman ako kahit papano," aniya at ibinaling nya muli ang kanyang tingin sakanyang niluluto. "Kung gusto mo dito ka nalang tumira para may tagalinis ako." dagdag pa nya. Nasamid ako kahit wala naman akong iniinom nor kinakain. Nakapanghihilakbot kasi yung sinabi nya. Nakatingin sya sa akin ng nakakaloko sabay kindat. "Gagawin mo kong maid?" sabi ko at nagpamewang ako sa ta

